TRAPPED
******
Nakabalik na kami ngayon sa pwesto namin nila Phyby at patapos na silang kumain. Samantalang ako ay nilalaro ko lang ang pagkain na nasa plato ko gamit ang tinidor. Habang ang isip ko'y abala sa pag-iisip patungkol sa nangyari kanina.
'That kiss, prove that you don't need to be jealous. Kasi ikaw lang ang hahayaan kong makadampi ang labi sa akin.' Muling umulit sa isipan ko ang sinabi nito kanina. Rason para hindi ko namalayang malakas kong nailapag ang kanang kamay ko na may hawak na tinidor.
"Letche ka talaga!" Gigil na sabi ko. Pero unti-unti akong nakaramdam ng hiya, nang mapansin kong lahat sila na malapit sa pwesto namin ay napansin ang ginawa ko. Kaya naman ay nagpeace sign na lang ako, at natatawa naman ang iba sa kanilang inalis ang tingin sa akin.
"Hey, are you okay?" Tanong ni Ara. Rason para kaagad akong tumango at nagpilit ng ngiti.
Nakakahiya.
"Yieh, nakausap mo lang si lheirix. Nagkaganiyan ka na bigla." Asar ni Ella't tumataas-baba ang kilay nito. Dahilan para irapan ko ito.
"Si lheirix na naman. Kita ninyong nasa kabilang pwesto siya. Kaya huwag natin siyang pag-usapan." Sabi ko sa kanila. Pero tinawanan lang nila akong apat, maliban kay Phyby na busy pa rin sa pagkain nito. Na kung akalain mo ay parang may sarili itong mundo.
Gayunpaman ay hindi ko na lang pinansin. Tsaka pinilit kong huwag isipin ang nangyari sa pagitan namin ni lheirix kanina. Kaya naman ay mas pinili ko na lang na kumain. Minuto ang nakalipas ng matapos na ang lahat na kumain. Tsaka muling umakyat si Kuya Fhrolly sa stage.
"Busog na ba kayo?!" Simula ulit nitong sabi.
"Yes!" Pabalik na sagot ng ilang estudyante.
Hindi ako nakasagot pabalik. Dahil aaminin kong kinakabahan ako sa pagsayaw. Kinakabahan ako, dahil hindi naman ako yung tao na magaling sumayaw, marunong lang. Isa pa'y unang beses ko itong sumayaw sa harap ng maraming estudyante.
"Kaya mo ito, Dia...Kung kaya ng iba makakaya mo rin." Bulong ko, pinapalakas ang loob ko. Kasabay ng pagcross finger ko't nakapikit na ilang beses na huminga ng malalim.
"Hey, don't be nervous, Thiara." Kapagkuway turan ni Phyby, tsaka ko naramdaman ang paghawak nito sa kanang kamay ko. Dahilan para mapamulat ako't tumingin dito.
"Baka kasi magkamali ako, at mapahiya ko lang ang strand natin." Kinakabahan kong sagot dito.
"Listen," saad nito't ibinaling nito ang kabuuan nito sa gawi ko't dalawang kamay ko na ang hawak nito.
"You can nailed this one. Sabi mo nga kanina, kung kaya ng iba. Makakaya mo rin. So, fighting! Besides, ako ata ang kapareha mo...One more thing, this is not the Thiara that I love...I mean I know." Litanya nito't alinlangang itong ngumiti, nang mapagtanto na nadulas ito sa pahuling parte ng sinabi nito. Kaya naman ay kinurot ko ng bahagya ang kaliwang pisngi nito.
"Salamat, Phyby...Tsaka oo, mahal din kita bilang kaibigan." Sabi ko rito, tsaka ako ngumiti at natatawa kong ibinaling ang atensyon ko kay Kuya Fhrolly. Nang sandaling mapamaang ito sa sinabi ko. Tsaka kaagad na ibinaling nito ang mukha nito sa kabila't may sinasabi ito na hindi ko marinig.
"Now that we're all settle down! Masasaksihan na natin ang inihandang sayaw ng Grade 11 Abm! That guide by one of the lovely teacher here in L.E.U. no other than, Miss Glei Therf!" Masiglang sabi nito, at sinundan iyon ng isang bagsak ng tunog ng base drum.
BINABASA MO ANG
Embracing the Thorns
RandomDhriyaila Thiara Yhelester is a selfless woman with a kinda jolly attitude. Lheirix Yheyr is a man who got curious with Dhriyaila's personality the first time he saw her. Then that curiousity lead them in meeting each other and ending up with embrac...