PAMILYA
******
Umaga na ng sabado ngayon at nagsisimula na kaming maghanda para sa selebrasyon ng kaarawan ni mama. Sila papa at kuya tsaka ang iba naming kamag-anak na lalaki't babae, ay kapwang nagtutulungan para sa pag-aayos sa harap ng bahay namin. Na kung saan gaganapin ang selebrasyon mamaya. Samantalang sila mama at Tita Lhiraya, Tita Rhenia naman ay nagtutulungang ihanda ang mga kakainin mamaya.
Syempre ako naman at ang dalawa kong babaeng pinsan at isang lalaking pinsan, na kapwa kong kaedad. Pare-pareho ring nagtutulungan sa paghahanda ng iba pang gagamiting sangkap. Maaga kasing dumating ang mga kamag-anak namin, kesyo raw para makatulong pa raw sila. Tsaka syempre sila Sheggy at ang dalawa pang malilit kong pinsan, ay naglalaro syempre.
"Dia, pumarito ka nga muna at ikaw ang maglagay ng keso nitong salad! Dahil kailangan kong utusan ang papa mo, para bumili ng mga kailangan pa." Kapagkuway dinig kong tawag sa akin ni mama, mula sa kusina. Kaya naman ay dali-dali kong nilapag ang binabalatan kong carrot sa isang malinis na lalagyan. Tsaka kaagad na pumanhik papunta sa kusina.
Nang makarating ako roon ay iyon ang naging hudyat para lumabas na ng tuluyan si mama. Syempre kaagad ko namang sinimulan ang paglalagay ng keso sa salad. Habang ginagawa ko iyon, ay hindi ko maiwasang matakam. Dahil sa ibang nakahandang pagkain na naroon na.
"Kaya sumasakit ang tiyan mo, Dia. Palagi ka atang pumapapak ng keso." Suway sa akin ni Tita Lhiraya, nang mapansin nito na pinapapak ko na ang natirang keso na hindi ko nailagay sa salad. Rason para nakangusong mapatingin ako kay Tita Lhiraya, na abala pa rin sa pagbabalot ng shanghai. Habang si Tita Rhenia naman ay pinuntahan ang anak nitong maliit na si Rhen at tinahan, dahil sa pagkakadapa.
"Hindi naman po, Tita." Sagot ko rito.
"Eh, diba kaya ka biglaang nag-ayang umuwi kagabi sa kuya mo. Dahil masakit ang tiyan mo?" Turan ni tita, tsaka ako nito panandaliang nakakunot na tinignan. Tsaka muling itinuon ang atensyon sa ginagawa, nang tango lang ang binigay kong kasagutan.
Dahil sa sinabi nito ay hindi ko na napigilan pang maisip ang nangyari kagabi, sa bahay nila lheirix. Si Kuya Thross pala ang tumakip sa mata ko, kaya naman ng sabihin ni kuya na tigilan ang ginagawa ay tumatawa itong sumunod. Sakto naman na pumunta pala si lheirix sa harap ko, kaya naman ng matanggal ni Kuya Thross ang pagkakatakip sa akin. Hindi ko naiwasang mabatukan ng malakas si lheirix, dahil sa gulat at lapit ng mukha nito.
Hindi pa sana ako biglang mag-aayang umuwi kay kuya. Dahil gusto ko pang marinig ang sinasabi ni Kuya Thross kay kuya. Na kesyo raw ay nakipagkita pa raw si lheirix sa isang coffee shop, bago tuluyang umuwi sa bahay nila. Kaya naman ay todo-asar ito kay lheirix, na kaya siya pinapunta ay dahil miss niya ito. Pero dahil nga sa pang-aasar ni lheirix, patungkol sa nangyari noong huwebes ng gabi. Araw na nasa iisang call kaming tatlo. Biglaan akong nag-aya pauwi, dahil nararamdaman ko na naman ang ilang.
'Kuya, tara na! Sumakit kasi bigla yung tiyan ko...Lhial, Dhassy, Kuya Thross aalis na kami...Tita, Tito, aalis na po kami!' Muling umulit sa isipan ko ang dere-deretso kong pagpapaalam kagabi sa kanila at ang biglaan kong pagtangay kay kuya palabas. Kaya naman ay nakakuha ako ng batok with instant kutos, nang nakarating na kami sa bahay kagabi.
"Susmaryosep kang bata ka! tama na iyang paghahalo mo! Dahil masiyado mo atang pinanggigigilan! Oh siya, ilagay mo na sa ref ni'yo para lumamig na." Kapagkuway suway sa akin ni tita, nang mapansin ata nito ang diin ko sa paghahalo ng salad. Rason para mapabalik ako sa ulirat at nakangusong sinunod ang utos nito.
Matapos iyon ay babalik na sana ako sa mga pinsan ko, para ituloy ang ginagawa ko. Pero bahagya iyong naudlot, dahil sa biglaang umiiyak na pagtakbo ni Sheggy papunta kay Tita Lhiraya. Syempre kaagad naman itong kinarga ni tita, at sinimulang patahanin. Kaya naman ay sinabihan na ako ni tita, na ako na muna raw ang magsimulang magluto ng shanghai. Siya raw ang magpapatuloy mamaya, kapag tumahan na si Sheggy. Kaya naman ay wala akong nagawa kundi ang sundin iyon.

BINABASA MO ANG
Embracing the Thorns
De TodoDhriyaila Thiara Yhelester is a selfless woman with a kinda jolly attitude. Lheirix Yheyr is a man who got curious with Dhriyaila's personality the first time he saw her. Then that curiousity lead them in meeting each other and ending up with embrac...