ETT - C50

18 9 3
                                    

BABALIK

******

   "So sa January 2 po ninyo ipi-pick up?" Tanong ng babaeng personnel sa shop na ito. Na kung saan ay nagbebenta ng mga instrument, katulad ng gitara at ukulele. Tanghali na ngayon ng sabado't mag-isa akong pumunta rito, gamit ang kotse ni Papang.

   Kung tutuusin ay hindi alam ni Lheirix, ang lakad kong ito. Naroon siya ngayon sa bahay at paniguradong naiinip na sa paghihintay. Patunay doon na kanina pa ito tumatawag at nagtetext. Tinatanong kung nasaan na ako, pero hindi ko iyon sinasagot. Ang paalam ko lang kasi ay pupunta ako sa bahay nila Ella saglit. Para kunin ang libro na hiniram nito. Pero hindi iyon totoo.

   Narito ako sa shop na ito, para bumili at magpacustomize ng ukulele. Isa para sa akin at para kay Lheirix. Ngayong christmas ko sana ito ibibigay kay lheirix. Pero hindi kaya ng shop na ito na iabot iyon sa christmas. Dahil syempre, kailangan din nilang magkaroon ng pahinga. Kasi papalapit na nga naman ang christmas. Maituturing ko ngang swerte ako. Kasi umabot pa rin ako, bago sila magsara at bukas na iyon.

   "Oo," sagot ko rito't umalis na ako. Matapos kong mapirmahan ang pinapapirmahan nito.

   Dumaan muna ako sa drive thru, para sa akin at sa pamilya ko't sa ma-atittude na lalaking iyon! Pagkapark ko pa lang ng kotse ni papang sa garahe'y nakita ko na ang pigura ni lheirix. Na nakahalukipkip habang nakahilig sa gilid ng pinto ng sala namin at deretso ang tingin sa gawi ko. Kaya naman ay natawa ako't kaagad na lumabas. Pagkakuha ko ng mga pagkaing binili ko.

   "Hi, love." Bati ko rito't hahalikan ko sana ito sa pisngi. Pero umiwas ito, rason para mapamaang ako. Nang hindi ko na mahintay ang sasabihin nito'y naglakad na ako papunta sa hapag-kainan. Para ilapag doon ang mga binili ko. Kaya naman ay ramdam ko ang pagsunod nito sa akin.

   "Ano?" Tanong ko rito, nang nakapamewang ako nitong pinagmamasdan.

   "Ang sabi mo kila Ella ka pumunta, Yhelester." Sambit nito't pumamewang din akong humarap dito. Nang tawagin na naman ako nito sa apelyido ko.

   Nakasuot ito ng puting sando't black na short at black na tsinelas. Suot pa rin nito ang necklace at bracelet. Samantalang ako naman ay maroon shirt, black pants at white sneakers. Nakamessy bun ang buhok ko't suot ko ang necklace, bracelet, at singsing na binigay nila ni Kuya.

   "Doon nga," pagsisinungaling ko. Dahilan para paningkitan ako nito ng mata.

   "I called Ella, a while a back. Asking if you're there. But, you're not. I even called your other friends, pero wala ka rin daw doon." Saad nito't naglakad ito paikot sa akin at deretso ang tingin sa akin. Na kung akala mo'y nasa isa akong paglilitis.

   "Tell me, Yhelester. Saan ka ba talaga pumunta?" Seryosong tanong nito't tumigil ito sa harap ko.

   "Hindi mo ba nakikita iyan!" Singhal ko rito't itinuro ang mga binili ko. Pero nanatili ang tingin nito sa akin.

   "Ah-huh," sagot nito.

   "Hindi ko na tinuloy ang pagpunta kila Ella. Kasi pinili ko na lang na mag-drive thru. Kung hindi ka naniniwala! Bahala ka! Letche ka!" Dere-deretso kong saad at naglakad na ako paakyat sa hagdan. Kaya naman ay palihim akong nangiti, nang marinig ko ang pagmumura nito't pagsunod sa akin at nagsosorry na.

   "Yah! Open this door, love!" Turan nito sa labas ng silid ko. Nang kaagad kong i-lock iyon pagkapasok ko.

   "Magbibihis ako! Kaya bumaba ka muna! Kung hindi ka na makapaghintay! Umuwi ka na!" Pabiro kong singhal dito't narinig ko ang pagmumura nito sa labas ng silid ko.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon