YAKAP
******
Nandito na kami sa mall kung saan ako unang binuhat ni lheirix ng parang sako ng bigas. Sa mall na ito kung saan ko siya unang nakita at nagsimulang pumasok sa buhay ko. Kung tutuusin ay kasalukuyan na naming tinatahak ang daan papunta sa sinehan, matapos naming kumain sa isang restaurant kanina.
Sinuhestiyon ko na unahin muna naming pumunta sa sport zone. Pero ihuhuli na lang daw iyon. Wala naman akong magagawa, dahil si lheirix lang ang sumang-ayon doon. Pero habang naglalakad ay hindi ko magawang magbaba ng tingin, dahil sa nakatuon ang paningin ng mga taong naririto sa amin.
Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa amin. Kung parang sakop na namin ang kanang parte ng daan. Isa pa'y ako lang ang babae at pinag-gigitnaan pa nila. Nasa kanang tabi ko si kuya na kanina pa nakaakbay sa akin, kasunod nito ay si lheirix. Na kanina pa nakanguso na parang bata, dahil siya sana ang nasa tabi ko ngayon. Pero sadyang sumingit si kuya. Kasunod naman ni lheirix ay si Tito Thriax na nakaakbay pa rin dito. Sa kaliwang tabi ko naman ay si papa, kasunod nito ay si Tito Shoiz at si Tito Pher.
Nakasuot ng denim pants at hapit na shirt at white sneakers ang mga tito ko at si papa. Si kuya naman ay akala mo kung napadaan lang. Dahil sa suot nitong color krema na sando pero parang shirt ito dati na sinadyang ginupit para maging sando. Nakablack pants at white sneakers, may suot din itong kwintas na silver link chain.
Samantalang si lheirix naman ay nakasuot ng white sweater at black na pants and white sneakers. Parehas din sila ni kuya na may suot na silver link chain. Ako naman ay nakasuot ng hapit na color peach na dress na 4 inch above the knee na may manipis na strap at flat na colorless na sandalyas, syempre si Tita Rhenia ang nagpasuot sa akin nito. Dahil magaling siya sa mga ganitong bagay.
"What do you want to watch?" Kapagkuway tanong sa akin ni brown na mata. Nang makakuha ito ng pagkakataong lumapit sa akin, dahil nagsimula ng tumingin ang mga kasama namin ng posters ng mga movie ngayon.
"Kahit ano." Tanging sagot ko rito at hindi ko man lang ito tinapunan ng tingin. Dahil naroon ang atensyon ko sa pagsipat sa mga posters ng movie na naroon, habang pinaglalaro ang dalawang daliri ko sa labi ko.
"Walang kahit na ano, Bansot." Kapagkuway saad nito at napansin ko ang pagbaling nito ng tingin sa akin. Pero imbis na mainis ako sa pamimilosopo nito ay hindi ko na lang pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
Maya-maya pa'y nakuha ang atensyon ko ng isang poster ng movie na naroon. Na parang action ang genre, dahil sa babae't lalaki na magkasangga habang may hawak na baril. Na kung saan ay parang ito ang mga bida sa movie na iyon. Kaya naman ay kaagad akong bumaling kay brown na mata, para sabihin na iyon na lang ang panoorin namin. Sigurado naman ako na papayag doon ang mga kasama namin, dahil mahilig sila sa ganoong genre.
Pero ganoon na lang ang pagtataka ko, nang pagbaling ko rito ay nakakunot noo itong deretsong nakatingin sa akin. Hindi pala sa akin, kundi sa ginagawa kong paglalaro ng mga daliri ko sa labi ko. Rason para mapalunok ako at tigilan ang ginagawa ko.
Tangina?! Ba't roon siya nakatingin?!
"Don't do it again." Kapagkuway sambit nito, tsaka ito nag-iwas ng tingin sa akin.
"Huh?" Tanging naging sagot ko.
"Huh?" Pang-gagaya nito sa naging sagot ko, matapos nitong tumingin sa akin. Pero panandalian lang iyon, dahil itinuon na nito ang atensyon sa poster na tinitignan ko kanina.
"Iyan na lang ang panoorin natin." Kapagkuway pang-uulit ko sa tinuran ko rito kanina, nang dalawang beses ko na iyong sinabi pero hindi pa rin ako nito sinasagot. Pero hanggang ngayon ay parang hindi pa rin ako nito naririnig, at tutok lang ang atensyon nito sa poster na iyon. Kaya naman ay kaagad ko ng pinitik ang tenga nito, rason para kaagad itong kunot noong mapatingin sa akin.

BINABASA MO ANG
Embracing the Thorns
DiversosDhriyaila Thiara Yhelester is a selfless woman with a kinda jolly attitude. Lheirix Yheyr is a man who got curious with Dhriyaila's personality the first time he saw her. Then that curiousity lead them in meeting each other and ending up with embrac...