ASAWA
******
"Tigil!" Kapagkuway sigaw ko, nang napansin kong iba na ang tinatahak na daan ni Vhenia Deld. Kaya naman ay biglaan din ang pagpreno nito at tsaka ako nito binalingan ng may masamang tingin.
"What's your problem!" Inis na sabi nito at mariin ang pagkakakunot ng noo nito.
"Lagpas na kasi tayo sa coffee shop na malapit sa L.E.U. Akala ko ba roon tayo mag-uusap?" Kunot noong tanong ko rito, rason para umirap ito sa akin at sinimulan na nito ulit ang pagmamaneho. Kaya naman ay bahagyang napaawang ang labi ko sa iniasta nito.
Tignan mo itong babaeng ito. Akala mo kung sinapian kanina ng mabait na anghel, para mapapayag lang ako. Tapos ngayon magmamaldita na siya sa harap ko.
"I change my mind, doon na tayo sa bahay mag-uusap." Kapagkuway sabi nito, habang ang paningin ay nasa daan pa rin. Rason para tumaas ang isang kilay ko.
Makapagdesisyon naman itong Vhenia na ito. Hindi man lang muna tinanong sa akin, kung ayos lang sa akin iyon.
"Do you have problem with that?" Maarteng tanong nito at tsaka ako nito sandaling binalingan habang nakataas ang isang kilay nito. Nang segundo na ang nakakalipas ay hindi ako sumagot sa sinabi nito.
"Tanga, malamang. Malaking problema iyon sa akin. Hindi naman kita papatigilin kung wala lang sa akin ang pag-iba mo ng daan kanina. Kung pwede nga lang na lumabas na ako ng sasakyang ito kahit umaandar pa, ay ginawa ko na." Bulong ko habang nakatingin sa bintana ng kotse nito.
"You can do it." Kapagkuway saad nito, rason para kunot-noo akong mapatingin dito.
Pinagsasabi ng babaeng ito.
"Alin?" Tanong ko rito.
"You can get out of my car, kahit umaandar ito. I won't mind it." Sabi ulit nito, rason para mapairap ako.
Bulong na nga lang, narinig pa.
"Pero huwag mong tatangkain na sundin ang sinabi ko. Dahil ayokong malagot kay babe." Kapagkuway pigil na sabi nito sa akin, rason para matigil ako sa pagtuloy sa plano ko. Tsaka ako kunot-noong tumingin dito.
"Wala nga siyang pake noong nagsinungaling siya sa akin. Tapos sasabihin mo na malalagot ka sa kaniya, kapag ginawa ko iyon. Sinungaling." Turan ko rito, rason para matawa ito.
"I think I really need to give myself an award!" Kapagkuway sambit nito. Rason para magsimula akong kabahan sa hindi malamang dahilan.
"We are here!" Turan ulit nito, matapos niyang maiparada ang kotse nito sa tapat ng isang mansyon. Tsaka ito bumaba, kaya naman ay bumaba na rin ako at sinundan ito papasok sa loob.
"G'afternoon po, Miss Vhenia." Kapagkuway bati sa kaniya ng isa nilang katulong na naroon sa sala nila. Pero parang wala itong narinig dahil nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Kaya naman ng madaanan ko ito't batiin din ako, ay binigyan ko ito ng ngiti.
"Dalhan ni'yo kami ng makakain. Sa garden kami pwepwesto. Make it faster, ayoko ng naghihintay!" Kapagkuway utos ni Vhenia, sa apat pang katulong nila na nadaanan namin. Kaya naman ay kaagad na nagmadaling tumalima ang mga ito.
"Umupo ka na." Saad ni Vhenia't iminuwestra ang kaharap nitong upuan. Rason para hindi ko maiwasan ang mainis sa ipinapakita nitong ugali.
"What? Are you deaf? Do I need to do some sign language?" Maarteng turan nito, nang segundo na ang nakakalipas ay hindi pa rin ako umuupo sa harap nito.

BINABASA MO ANG
Embracing the Thorns
De TodoDhriyaila Thiara Yhelester is a selfless woman with a kinda jolly attitude. Lheirix Yheyr is a man who got curious with Dhriyaila's personality the first time he saw her. Then that curiousity lead them in meeting each other and ending up with embrac...