ETT - C33

29 31 4
                                        

AKALA

******

   "Magpaparaya na ako dahil hindi ako gusto ng mahal ko..Sinubukang habulin ka akala ko'y magagawa..Pero bakit gano'n pinagpalit ako..Sa karibal ko..Harap-harapang sinaktan ginago mo ang tulad ko..Sana malimot na kita~" Ang sabayang pagkanta ng mga kaklase namin ang bumungad sa amin ni Phyby. Matapos naming makatapat sa pinto ng silid namin. Dahilan para mapapikit ako ng mariin, hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon ni Phyby. Dahil nasa likuran ko ito.

   Matapos umalis ni lheirix ay tinangka ko na ring umalis, para bumalik sa silid namin. Pero hindi kaagad ako nakaalis doon, dahil kesyo gusto akong makausap ni Phyby. Kaya naman ay mas minabuti ko na lang na magtaray, para makakuha ng tiyansa na bumalik sa silid namin.

   'You can't escape, Thiara. If I need to drag you again! So we can talk, I wouldn't hesitate to do it. Lalo na ngayon na nalaman kong, AKO ang dapat mong sinagot.' Muling umulit sa isipan ko ang huling sinabi kanina ni Phyby, bago ako nito hayaang maglakad pabalik. Rason para maikuyom ko na rin ang mga kamao ko.

   Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

   "Ako ay lumuha dahil, 'di ko kaya na limutin ka at iwan ka..Dahil ikaw lang talaga..Ako 'y nagmahal ng todo pero ako'y hindi pinili, sana ngayon ay mahalin at 'wag mong saktan please yung pinili mo~" Kapagkuway muling pagpapatuloy ng mga kaklase ko, kaya naman ay hindi ko na napigilan pang mapadilat. Tsaka matalim na tumingin sa kanilang lahat. Pero parang walang epekto iyon sa kanila. Dahil din sa ginawa ko'y doon ko napagtanto na sila Aiks at Clain lang ang hindi nakikisabay sa kanila.

   "Letche! Tumigil nga.." Hindi ko natapos ang pag-angal ko. Dahil kaagad na akong hinila paupo ni Ella sa upuan ko. Bahagya pa akong napamaang nang hinila rin ni Ara si Phyby, para umupo sa upuan nito na kung saan ay nasa kaliwang tabi ko. Kaya naman ay hindi ko maiwasang makaramdam ng inis, lalo na nang marinig ko ang tawa ng lalaking katabi ko. Na kung akala mo'y natutuwa pa sa ginagawa ng mga kaklase ko, kahit ang mga liriko'y patukoy na sa amin.

   Letche!

   "What's going on here!" Tinig ni Miss Arlhian, dahilan para mabuhayan ang loob ko. Dahil kasi roon ay natatawang natigil ang mga kaklase kong kumakanta.

   "Miss kinakantahan namin sila Dia't si Phydy Pinili." Lakas na loob na sabi ni Ella. Rason para mapamaang ako't maghagalpakan ng tawa ang halos lahat na narito. Pinakamalakas doon ang tawa nila Thier at Wenz habang inuulit ang itinawag ni Ella kay Phyby. Samantalang ang lalaki namang katabi ko'y natigilan.

   Tangina, bakit ba sa room na ako ito napunta!

   "Kinantahan niyo na nga lang sila. Sana naman yung may magandang liriko. Kesa naman diyan sa Luha by Repablikan. Jusko! Broken ba kayo?!" Turan ni Miss Arlhian, rason para mapayuko na ako sa hiya. Samantalang ang mga kaklase ko naman ay panay pa rin ang tawa. Pati na rin ang lalaking katabi ko'y nakisabay ng muli sa pagtawa.

   "Miss! Si Thier po ang nakaisip ng kantang iyon!" Natatawang turan ni Airo.

   "Oh eh ano naman! That's what you called art of music!" Dipensang sabi ni Thier at napahawak na lang sa sentido si Miss Arlhian. Nang sinadyang lagyan ni Thier ng feelings ang pagkakasabi nito sa 'art of music'. Sinabayan pa niya iyon ng paghugis ng puso sa hangin. Iyon ang naging dahilan para hindi ko na rin mapigilan pang sumali sa pagtawa nila, pero kaagad kong itinigil ang sarili ko. Nang mapatingin sa gawi ko si Phyby at ang ibang kaklase ko.

   Minuto pa ang lumipas bago dumating si Sir Thraic Reyes, substitute teacher namin sa Gen. math. Dahil nahospital si Miss Annaoy. Kung tutuusin ay nagtaka ako nang ito ang pumasok sa silid namin noong martes ng umaga. Para ibigay ang iniwang gagawin ni Miss Aynvi, para sa organization and management subject namin. Unang tingin pa lang kasi rito'y hindi pa ito masiyadong matanda.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon