ETT - C30

37 35 0
                                        

HALIMAW

******

   Madaling araw ng miyerkules ay naalimpungatan ako, dahil sa ingay na naroon sa paligid. Kaagad akong bumangon at kinusot ang mga mata ko. Kinuha ko ang phone sa tabi ng lamp shade ko't tinignan ang oras. Pasado alas dos y media(2:30), pero naroon ang ingay na nagpapakaba sa akin sa hindi ko malamang dahilan.

   Pagkabukas ko pa lang ng pintuan ng silid ko'y ang hindi mapirming si kuya ang kaagad kong nakita. Nakapantulog din ito, nakatapat ang phone sa kanang tenga nito. Nang tumingin ito sa akin ay mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko, dahil sa kaba. Naroon kasi sa mga mata nito ang mga bagay na nais nitong ipahiwatig. Pero hindi masabi ng bibig nito.

   "A-anong nangyayari?" Kabadong tanong ko rito, pero bago pa man nito mabuka ang bibig para sumagot ay parehas kaming napaiktad. Dahil sa sigaw ni mama. Kaya naman ay dali-dali akong bumaba ng hagdan papunta sa sala, kahit na nakayapak lamang.

   "Ma! Anong nangyayari?!" Tarantang tanong ko, kahit may dalawang pagitan pa ng hagdan ang kailangan kong lagpasan.

   "Dhriyaila! Yung p-pwesto natin!" Turan nito, tsaka ko ito kaagad inalalayan. Nang akma itong mapapaluhod, dahil sa biglaang pag-iyak. Kaya naman ay mas lalo akong kinabahan.

   "Ma! Ano ba kasing nangyayari! Hindi ko kayo maintindihan!" Naiiyak na rin na sabi ko, matapos kong maipaupo si mama sa malaking sofa. Paano kasi ay sinubukan nitong sagutin ang tanong ko, pero hindi ko iyon naintindihan. Dahil sa garalgal na boses nito't hikbi.

   "Wala na yung pwesto natin." Pagod na sabi nito, dahilan para mapaawang ang labi ko. Tsaka ko ito niyakap pabalik at hinayaang ihilig ang ulo nito sa kanang balikat ko.

   Huh? A-anong wala na?

   "Bakit? Tinangay ba?" Tanong ko kay mama, kahit may hula na ako sa pinapahiwatig ng mga sinabi nito. Sadyang sinadya kong magtanga-tangahan, umaasa na mali ang hinala ko.

   "Nasunog." Iyon lang ang sinabi ni mama, pero bahagya ako niyong pinanlumo. Kung tutuusin ay hindi mahalaga ang sunog na naging dahilan para roon. Dahil maaari iyong aksidenteng nangyari. Ang reaksyon, iyak, at nadarama nila ang mas matimbang sa akin.

   Dahil pinaghirapan nila iyon...

   Nang makababa si kuya ay hinayaan ko itong umalalay kay mama. Tsaka ako tumayo para kuhanan ng tubig si mama. Nang maiabot ko iyon, ay kaagad akong umakmang lalabas. Rason para mapansin iyon nila mama't kuya.

   "Anak ng, saan ka pupunta?" Seryosong tanong sa akin ni kuya.

   "Pupunta ako roon!" Sagot ko rito, tsaka ako kaagad na tumakbo palabas.

   "Dhriyaila! Bumalik ka rito!" Rinig kong sigaw ni kuya. Pero hindi ko na iyon binigyang pansin. Dahil kaagad akong sumakay sa tricycle na dumaan, sa likod ako ng driver sumakay. Sa kadahilanang puno ang loob nito ng mga gulay. Tsaka kaagad na sinabi ang daan papunta roon.

   Sa totoo lang ay nangwengwestiyon na ako sa tadhana. Kung bakit lahat nangyayari ito? Bakit parang sa isang iglap ay naging magulo ang lahat. Sabi nila, lahat ng pangyayari ay may kalakip na dahilan. Pero hindi ko maiwasang maisip, kung ang dahilan ba na iyon ay sapat. Para sa lahat ng nangyayari.

   Nang makarating ako roon ay kaagad akong bumaba at nagpasalamat. Hindi naman naging kaso na wala akong perang pinambayad dito, dahil pupunta rin daw ito sa bayan. Matapos makaalis ng tricycle na iyon, ay kaagad kong iniligid ang paningin ko.

   May pulis na naroon pati bumbero. Naroon din ang mga taong nakikiusyoso sa nangyari. Nang dumapo naman ang mga mata ko sa pwesto namin ay mas lalo akong nanlumo. Dahil mas malaki ang napinsala roon. Bilang lang sa mga daliri ko ang ilang pwesto na nadamay, pero hindi gaanong malaki ang pinsala.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon