PAGOD
******
"Apo, pansin ko. Parang sa mga nakaraang linggo, hindi ka nagpapaalam na pupunta sa hospital. Para sa medication mo." Kapagkuway turan ni Nanay lhiena, rason para masamid ako. Kaya naman ay kaagad akong inabutan ng baso ng tubig ni kuya.
Kumakain na kasi kami ngayon. Nasa iisang table kami nila Kuya, Mama't Papa't mga Lolo't Lola ko. Ito ang sumunod, pagkatapos ng pagsayaw nila Bianca, Thier, Qhiell, Ella't Aiks. Kakatapos lang kumanta nila Papang, Papa't Kuya. Regalo raw para sa akin. Sabi pa nga nila na kapag sa 18th birthday ko raw, sila rin daw dapat ang kakanta.
Kung makapaghanda, akala mo malapit na.
"Sa tingin ko naman po hindi na kailangan, Nanay. Tsaka patuloy ko pa rin naman pong iniinom yung mga gamot na ibinigay." Tugon ko, matapos mailapag ang baso ng tubig sa tabi ko. Iyon naman talaga ang totoo. Hindi ko lang sinabi na...
Naaalala ko na lahat.
"Pero mas mabuti pa rin naman siguro, Apo. Na pumunta ka pa rin, kasi para iyon sa amnesia mo." Ani Mamang Shelly. Dahilan para mag-iwas ako ng tingin. Nagsisimula na namang kabahan.
"Maliban na lang kung..." Kapagkuway pasimulang sabi ni Papa, rason para mapalunok ako't kabadong tumingin dito.
"Tinatamad ka." Taas-kilay na dagdag nito't nakahalukipkip. Kaya naman ay medyo nakahinga ako ng maluwag.
Tangina.
"Ano ba iyan. Huwag nga muna natin itong pag-usapan. Birthday na birthday ng apo ko eh. Ganito ang pinag-uusapan ninyo." Sabat ni Tatay Dhiorx, kasunod nito'y ang pagpalo rito ni Nanay lhiena. Gamit ang pamaypay na hawak nito, nang akma itong kukuha ng medyo mamantikang ulam.
"Apakatigas ng ulo mo, Dhiorx! Bawal ka nga sa mamantikang pagkain!" Turan dito ni Nanay, dahilan para mapangiti ako. Nang natatawang akbayan ito ni Tatay.
"Loves na loves talaga ako ng asawa ko." Malambing na sambit ni Tatay, pero nakakuha lang ulit ito ng palo kay Nanay.
Nang makarating na ako sa kwarto ko't makaupo sa hulihan ng kama ko'y kaagad akong nagpadala ng mensahe sa doctor ko. Tinatanong kung maaari ko ba itong tawagan, para sa importanteng bagay. Kung tutuusin ay ito ang unang nakaalam na naaalala ko na lahat. Kasi dapat lang naman, 'diba. Kaya naman ay nakakuha ako ng apruba rito, na hindi na kailangang pumunta para sa medication. Basta tuloy-tuloy lang ang pag-inom ng gamot, tapos kapag may naramdaman daw akong kakaiba. Tawagan or puntahan ko ito kaagad.
Pagkatapos ko kasing kumain ay nagpaalam ako na pupunta muna sa kwarto ko. Para ayusin saglit ang mga inihanda kong gamit, para sa pag-eencode. Pero ang totoo'y ito talaga ang pakay ko, ang tawagan si Doc. Kung tutuusin ay bago ako bumaba kanina, para tignan ang ingay ng drum ay naiayos ko na iyon.
"Hi Doc, naistorbo ko po ba kayo sa duty ninyo?" Iyon kaagad ang bungad ko rito, nang makatanggap ako ng sagot dito sa pinadala kong mensahe. Nagsasabing ayos lang daw na tawagan ko siya.
"No, mamaya pa ang duty ko. Anyway, bakit ka tumawag? May nararamdaman ka bang kakaiba?" Sunod-sunod na tanong nito.
"Wala naman po, Doc. May hihingiin lang po sana akong pabor." Tugon ko.
"Alright. Ano ba iyon?" Tanong nito't narinig ko ang pagtawag sa kaniya ng isang bata. Mula sa kabilang linya, kaya naman ay sinabi nitong tumahimik muna't may kausap. Pamilyado na kasi ito.
"Alam niyo naman pong naaalala ko na po lahat, 'diba?" Turan ko.
"Yeah." Maikling sagot nito.

BINABASA MO ANG
Embracing the Thorns
De TodoDhriyaila Thiara Yhelester is a selfless woman with a kinda jolly attitude. Lheirix Yheyr is a man who got curious with Dhriyaila's personality the first time he saw her. Then that curiousity lead them in meeting each other and ending up with embrac...