ETT - C40

31 25 1
                                    

KAILANGAN

******

   "Minion." Pagtawag sa akin ni Ara. Dahilan para kunot-noo ko itong saglit na balingan ng tingin. Huwebes na ngayon at oras ng break time para sa hapon. Kaya naman ay kinuha ko ang pagkakataon na ito para gawin ang isa sa kailangan kong ipasa sa P.E. Iyon ay sketch ng gym na gusto namin, kung sakaling mabibigyan kami ng chance na makapagpatayo ng gano'n.

   Kung tutuusin ay talagang nanibago ako sa pagtapak ko sa silid na ito kahapon. Makalipas ang dalawang araw ng undas break na nanatili lang ako sa bahay, kasama ang mga nagpakilalang tito't tita ko at lolo't lola at pati mga pinsan. Tsaka sila mama't papa't kuya.

   Mabuti na lang at naroon sila Ara. Kaya naman ay unti-unti rin akong naging komportable ng araw na iyon. Idagdag pa ang magandang pakikisama ng iba sa mga kaklase ko at ng ibang tao sa paligid ko. Na kung akalain mo ay wala silang naramdamang pagbabago, kahit alam nilang hindi lahat sa kanila'y naaalala ko.

   "Sigurado akong naninibago ka sa mga nakikita mo ngayon Miss Yhelester. Pero alam ko naman na magiging komportable ka rin kaagad. Dahil nakalimot man ang isip mo, hindi naman ang puso mo." Sabi ni Miss Arlhian nang umaga ng miyerkules. Siya ang nagpakilalang adviser ng klaseng ito. Dahil doon ay bahagya akong napangiti.

    "Naks naman, Miss. May word of the day." Kantiyaw ng lalaking kaklase ko, rason para magtawanan ang iba sa mga kaklase ko.

   "Tumigil ka riyan Mr. Thier Garcia." Saway nito't muling tumingin sa akin.

   "One more thing Miss Yhelester. One week kang hindi nakapasok. Kaya naman may mga activities at performance kang hindi nagawa sa ilang subject mo. Excuse ka naman sa mga araw na iyon pero need mo pa ring tanungin ang mga subject teacher mo. If need mo pang ipasa ang mga iyon or hindi na." Sambit nito, dahilan para mapatango ako.

   "Besides, nariyan naman sila Ara at mga kaklase mo para i-guide ka kung sakali." Dagdag pa nito, kaya naman ay muli akong tumango.

   "Don't worry, Dia. We got you!" Kapagkuway sambit ng isang lalaking kaklase ko't nagsipag-ayunan naman ang iba sa mga kaklase ko. Kung hindi ako nagkakamali'y isa ito sa mga bumisita sa akin noong nasa hospital ako. Dahil nga sa sinabi nito'y napangiti ako. Maya-maya pa'y tumunog na ang bell dito sa building namin. Hudyat na simula na ng klase.

   "Mag-aral kayong mabuti, hah." Paalala pa nito at aalis na sana ito mula sa pagkakatayo sa harapan. Nang bigla ata itong may maalala.

   "One more thing, huwag ni'yong tatanggalin ang mga nakasuot sa inyong name tag. Unless kung uwian na." Muli nitong sabi. Paano kasi'y lahat sila'y may suot ng name tag pagkapasok ko pa lang.

   "Pero, Miss. Pwede bang tanggalin kapag may magpaparecite?" Umaasang tanong ng isa sa lalaki naming kaklase, rason para kaagad na umiling si Miss Arlhian. Iyon ang dahilan para mapakamot ito sa ulo nito't masamang tumingin sa akin. Rason para kaagad akong mag-iwas ng tingin.

   Nakakakonsensya dahil pati ang iba nadadamay na.

   "Kung ba't naman kasi nagka-amnesia pa!" Kapagkuway parinig ng lalaking iyon pagkaalis ni Miss Arlhian. Dahilan para mas minabuti kong tumingin na lang sa harapan. Iniignora ang sinabi ng lalaking iyon.

   "Hoy! Can you shut your mouth na lang! If wala kang magandang sasabihin!" Dinig kong singhal ni Phyby sa lalaking iyon.

   "Totoo naman eh. Dahil sa kaniya, kailangang magsuot ng ganito!" Pangrarason nito.

   "Tangina mo! Huwag mong sisihin ang nangyari kay Dia! Palibhasa kasi hindi ka nakakasagot sa recitation!" Singhal pa ng isang lalaki, dahil doon ay hindi ko napigilang tumayo't humarap sa gawi ng lalaking iyon.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon