PANAGINIP
******
Unti-unti kong iginalaw ang hintuturo ko sa kanang kamay. Kasabay ng unti-unting pagmulat ng mata ko at ang marahang pag-inda ng sakit. Dahil sa biglaang paggalaw ko. Sinuyod ko ang kabuuan ko't may nakakabit na swero sa kamay ko. Naroon din ang ilang sugat na nakita ko sa paa ko't kamay na nalagyan na ng lunas. Tsaka nakasuot ako ng mapusyaw na asul na pajama't damit.
Nang may maramdaman akong bagay na nakapulupot sa ulo ko'y inabot ko ang salaming naroon sa maliit na puting table na naroon. Taka kong tinignan ang repleksyon ko sa salamin at benda ang nakapulupot sa ulo ko.
Pagkababa ko ng salamin ay nakakunot noo kong inilibot ang paningin ko. Nasa isang silid ako na halos purong puti ang makikita. May dalawang mahabang sofa rin na naroon at may mga taong nakaupo roon, ngunit lahat sila'y nakapikit. Tsaka naroon ang isang machine na may linyang ginuguhit, kasabay ng isang tunog.
Naroon din ang isang telebisyon na nakaattached sa pader na nasa harapan ko. Nang ilipat ko ang tingin ko sa katamtamang kama na kinalalagyan ko'y doon ko napagtanto, na may taong nakayuko sa kanang gilid ko't tulog.
Pasado alas otso nang tinignan ko ang nakakabit na orasan sa pader, katabi ng isang krus. Akma sana akong babangon at sasandal sa may likuran ko, nang mapatigil ako. Dahil sa isang malakas na boses.
"Oh my gosh! Gising na si Dia!!" Malakas na sigaw nito't kasabay ng agaran nitong pagtayo. Mula sa sofa na inuupuan nito't ginising ang iba.
"Tita, gising na po si Dia!!" Turan nito't may sayang mahihinuha roon. Habang ginigising ang nasa tabi ko.
Maya-maya pa'y lahat na sila'y tuluyan ng nagising at kaagad na lumapit sa akin ang iba. Samantalang ang babaeng nanggising sa mga ito'y lumabas at tila may tinawag. Tsaka ang iba naman ay may tinatawagan na sa phone.
"Anak, buti naman gising ka na." May saya sa tono ng pagkakasabi ng ginang na nasa kanang tabi ko't nakayuko kanina. Kung hindi ako nagkakamali'y medyo may edad na ito, ngunit naroon pa rin ang ganda nito.
Sa halip na sagutin ito'y inilibot ko ang paningin ko sa mga taong narito. Lahat sila'y nakangiti ngunit may bahid ng pag-aalala sa mga mata nila. Kung hindi ako nagkakamali'y nasa sampu silang narito, maliban sa akin.
"Sis, sa wakas gising ka na! Kahaba ng tulog mo girl!" Masayang sambit ng isang babaeng katamtaman lamang ang tangkad, at nakapusod ang buhok. Nanliliit ang mga mata kong tinignan ito.
"B-bianca?" Pagkilala ko rito't nakangiti itong ilang beses na tumango.
"Ba't ako narito?" Tanong ko't sa kaniya lamang ako nakatingin. Dahilan para maulinigan ko ang pagsinghap at pagkunot ng noo ng mga narito. Nakita ko rin ang pag-iwas ng tingin ng isang lalaking matangkad, na kung hindi ako nagkakamali'y parang kuya na ito.
Magsasalita na sana si Bianca, nang may anim na taong pumasok. Apat doon ang lalaki at dalawa naman ang babae. Pare-pareho silang kaagad na nagbaling ng tingin sa akin.
"Dia, buti naman gising ka na." Masayang sambit ng isang lalaking kaedad lang ata ng nakita kong nag-iwas ng tingin kanina. Matapos nitong lumapit sa akin at marahang kinurot ang kanang pisngi ko. Dahilan para kunot-noo akong sinundan ito ng tingin.
"Huwag kang magulo, Thross!" Kapagkuway seryosong sambit ng isang lalaking may kulay brown na mata. Na kanina pa mariin ang pagkakatitig sa akin, habang nakahalukipkip.
"Chill lang, Yheyr." Natatawa namang sambit ng Thross na tinawag nito.
"Bianca." Pagtawag ko, dahilan para alinlangan itong lumapit sa kaliwa ko't tinulungan akong bumangon at sumandal sa may likuran ko.
BINABASA MO ANG
Embracing the Thorns
De TodoDhriyaila Thiara Yhelester is a selfless woman with a kinda jolly attitude. Lheirix Yheyr is a man who got curious with Dhriyaila's personality the first time he saw her. Then that curiousity lead them in meeting each other and ending up with embrac...