ETT - C5

153 150 20
                                    

KOTSE

******

Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik sa pagkakatayo si brown na mata. Rason para ako na ang unang natinag, at binato ko sa mukha niya ang jacket na pinahiram niya kahapon. Dahilan para umangal ito.

"Who told you that you need to return my jacket?" Rinig kong tanong nito, habang nauuna ako na naglalakad patungo sa kotse nito.

"Hindi ko ugali ang mang-angkin ng hindi akin, tsaka mahirap na baka may masabi ka pa!" Singhal ko rito, tsaka ako sumandal sa kotse nito. Dahil sa bagal nito maglakad, habang bumubulong. Kaya naman ay inis kong pinagsalikop ang mga kamay ko, at tinignan ang lalaking ito.

Konti na lang talaga ay matatanggal ko na itong heels ko at maibato sa pagmumukha niya!

"Ano ba! Ambagal mong maglakad. Ano bang binubulong mo riyan? Katulad mo na ata si Phyby, palaging bumubulong!" Naiinis ng sigaw ko rito, dahilan para matalim itong tumitig sa akin. Tsaka niya inilang hakbang ang paglapit sa akin.

Nang makalapit na ito ay inis itong namewang. Tsaka ito deretsong tumingin sa mga mata ko. Dahilan para pagtaasan ko ito ng kilay, habang nilalabanan din ang tingin nito.

"Alam mo, para kang tanga." Simple kong sabi. Nang guluhin nito ang buhok nito't namewang ulit.

"I'm the one who's here with you. I'm your date, but you kept on telling about Phyby!" Pilit nitong tinatakpan ang inis sa tono nito, pero hindi niya ito nagawa.

"Totoo naman kasi, parehas kayong..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko, nang kaagad itong umikot papunta sa driver seat at sumakay. Minuto ang nakalipas pero hindi pa rin ako sumasakay. Dahilan para inis itong bumaba.

"What's wrong with you! Bakit hindi ka pa sumasakay?!" Singhal nito, dahilan para irapan ko ito at natatawang sumakay sa passenger seat.

Kainit ng ulo.

Kaya naman nang nakasakay na ulit ito ay pinaandar na niya ito. Walang naglalakas ng loob na mag-ingay sa amin. Kaya naman kinuha ko ang earpods sa purse na dala ko, tsaka ito nilagay sa magkabilang tenga ko. Pagkatapos niyon ay nakinig na ako ng musika. Sa una ay enjoy ko ang mga music na pinapakinggan ko at nagheheadbang pa ako.

Pero ilang minuto ang lumipas, nang makaramdam ako ng antok. Humikab pa ako tsaka ko sinandal ang ulo ko sa gilid ko. Napansin ko pa ang pagtingin sa akin ni lheirix pero ipinagsawalang bahala ko na lang ito.

"Aila." Rinig kong tawag sa akin ng pamilyar na boses, pero hindi ko ito pinansin. Dahilan para tapikin ako nito, kaya nakakuha ito ng palo sa akin.

"Wake up, Aila. We are already here!" Rinig ko ulit na pagtawag nito habang tinatapik ako nito. Pero imbis na idilat ko ang mata ko ay tumagilid pa ako. Rason para marinig ko ang tawa nito.

"Wake up, kanina ka pa naglalaway." Sambit nito, dahilan para kaagad kong idilat ang mata ko at inayos ang upo ko't pinunasan ang gilid ng bibig ko. Nang mapagtanto kong hindi totoo ang sinabi nito't ay kaagad ko itong masamang binalingan ng tingin. Kaya naman ay bumungad ang pagmumukha ng may brown na matang ito, nang nakangiti at expose ang ngipin nito.

Panira ng tulog! Tsaka edi siya na yung may magandang ngipin. Pwede ng maging endorser ng toothpaste.

"Good morning my Lil' cute minion." Bati nito sa akin pero inirapan ko lang ito. Doon ko lang napansin ang nakapatong na jacket niya sa hita ko, na nagsisilbing takip nito. Rason para maramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon