ETT - SC

13 4 0
                                        

  Nang lumalim na ang gabi'y nagsimula na ang ibang kasamahan ni Dia na uminom ng mga alak. Mga kasamahan nito na kayang-kayang uminom. Kabilang na roon ang mga kuya nito't kaibigan niyang mga lalaki. Maging sila Phyby at ang mga kasama nito noong nakipaglaro ng basketball. Ang magkapatid na Rhieto't ibang kaibigan na babae ni Dia'y tamang tikim lang. Ganoon na rin si Lheirix.

   "Napakadaya ni Madam! Hindi umiinom pero siya nakakaubos sa pagkaing narito!" Pang-aasar ni Lius, kaya naman ay kaagad itong sinamaan ng tingin ni lheirix at binato ng isang empty bottle. Rason para magtawanan ang mga kasama nila.

   "Better shut your mouth, men! Baka ipa-isahang lagok sa'yo ng pinsan ko ang isang bote ng alak." Natatawang sambit ng pinsan ni lheirix na si Thross. Pero tinawanan lang iyon ni lius at mas lalo pang naging mapang-asar. Palibhasa'y nagsisimula ng tamaan ng iniinom nilang alak.

   "Bianca, goods ka pa?" Maya-maya'y tanong ni Rence. Nang makita nitong humilig ito sa balikat ng katabi nitong si Ara, na bahagyang mamula-mula na rin. Nakahawak na rin si Bianca sa sentido nito't marahang hinihilot.

   "Oo," sagot niya rito, habang nakapikit na hinihilot ang sentido nito. Ngunit kahit na naging gano'n ang sagot nito'y hindi maiwasang paulit-ulit na tumingin dito ni Rence. Nagsisimulang mag-alala, para sa babaeng gusto nito. Kung tutuusin ay bago pa man nila makilala sila Dia'y may nararamdaman na ito kay Bianca. Sadyang hindi niya magawang umamin.

   Natotorpe.

   Sa kabilang banda'y makikita rin ang lantarang pagtitig ni Dley kay Ara. Ramdam iyon ng babae, pero hindi niya pinapansin. Si lheirix naman ay binabantayan ang bawat galaw ng girlfriend nitong si Dia. Kahit tamang kain lang ang ginagawa nito.

   "Let's do truth or dare!" Pangungunang sabi ni Mhev, kaya naman ay kaagad na nagsipang-ayunan ang halos lahat sa kanila. Maliban kay Phyby at Sky na papikit-pikit na rin.

   Inilagay ni Mhev ang walang lamang bote sa gitna nilang lahat. Tsaka pinaikot, si Ella kaagad ang unang natapatan. Kaya naman ay naghiyawan sila, nang sabihin ni Sky na siya ang magtatanong o magde-dare kay Ella. Na inirapan lang siya.

   "Truth," matapang na sagot nito. Rason para magpigil ng ngiti si Sky, dahil sa naiisip nito. Nang makita iyon ni Ella'y kaagad na napaawang ang labi nito.

   "Hindi, dare na lang pala!" Pambabawi nito't nagtawanan ang mga kasama nilang, nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

   "Choose wisely, honey." Wala sa sariling saad ni Sky, kaya naman ay napapikit ng mariin si Ella. Samantalang si Dia naman ay naiiling na, palibhasa'y ngayon pa lang ito nagkakaroon ng ideya. Sa mga buhay pag-ibig ng mga kaibigan nito.

   "I-dare mo na lang ako, pwede!" Naiiritang sabi ni Ella, pero imbis na mabahala si Sky ay mas lalo lang itong nagpigil ng ngiti.

   "I dare you, to come with me for a date, then." Walang pag-aalinlangang sambit ni Sky at kasunod niyon ay ang hiyawan ng mga kasama nila't pagmumura rin ng mga lalaki nitong kaibigan.

   "Sabi ko na nga ba, dapat dinala ko yung girlfriend ko rito." Natatawang sambit ng kapatid ni Mhev na si Phied.

   "Epal! May girlfriend ka?! Hah! May girlfriend ka?!" Pang-iinis dito ni Mhev, kaya naman ay matalim siya nitong tinignan. Habang nagsisimula na niya itong sapakin at murahin sa isipan nito. 'Palagi na lang panira!' iyan ang nais isatinig ni Phied, pero mas minabuti niya na lang na huwag.

   "Gago! Ano ka? Siniswerte! Idadagdag mo pa ako sa mga babae mo!" Kapagkuway sambit ni Ella, kaya naman ay natigil ang mga kasamahan nila sa hiyawan.

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon