PABANGO
******
Kasalukuyan na akong nandito sa silid ko. Habang nakahiga at kausap sila Ella at Ara sa phone. Kung tutuusin ay kanina pa sana ako tulog. Kung hindi lang sana sila tumawag sa akin.
"Abnormal. Ba't hindi niyo rin iconnect kila Clain at Aiks yung call?" Kapagkuway tanong ko sa kanilang dalawa. Nang parehas silang hindi tumitigil sa pang-aasar. Dahil nalaman nilang nandito si Phyby sa bahay.
"Iniiba yung usapan, ayieh." Asar ni Ara, mula sa kabilang linya.
"Baka tulog na ang mga iyon." Sagot naman ni Ella, sa tinanong ko kanina.
"Kayo? Wala pa ba kayong balak matulog? Ilang minuto na tayong nag-uusap." Sabi ko sa kanila.
"Nagsasawa ka na sa amin, minion?" Sabi ni Ella, tsaka ko narinig ang kunwaring hikbi nito mula sa kabilang linya. Kaya naman ay napabuntong hininga ako at napahawak sa sentido ko.
"Mga abnormal." Turan ko sa kanilang dalawa. Rason para matawa sila.
"Sige na nga, pinagtatabuyan mo na kami eh." Si Ara
"Nighty, minion." Sabay nilang sabi.
"G'night." Sagot ko naman sa kanila at tsaka ko pinatay ang tawag.
Kaagad kong inilagay ang phone ko sa tabi ng lamp shade ko. Tsaka sinimulang kuhanin ang tulog ko. Pero minuto na siguro ang nakalipas, ay hindi ko pa rin nakukuha ang tulog ko. Panay ang galaw ko sa kama.
"Para akong tangang paikot-ikot." Puna ko sa sarili ko. Tsaka ko naiinis na bumangon at kinuha ang phone ko. Para magsilbing ilaw muna, habang hindi pa ako nakakarating sa sala. Tsaka ko sinimulang humakbang palabas ng silid ko.
"Andilim." Sabi ko sa sarili ko. Kasi kahit na meron akong ilaw, ay hindi naman nito maiilawan ang buong kabahayan. Kaya naman ng marinig ko ang tunog ng pagbukas ng isa sa mga kwarto. Habang pababa ako sa hagdan ay kaagad na akong tumakbo at sinindi ang ilaw sa sala.
"Ba't ka pa gising, minion?" Kapagkuway tanong ni kuya, na malapit sa likuran ko. Kaya naman ay inis akong humarap dito.
"Ano ba, Kuya! Bakit ka ba kasi biglang nagsasalita! Anlaki pa man din ng boses mo!" Singhal ko rito. Tsaka medyo nalakasan ko ata ang boses ko. Rason para marinig iyon ni Phyby, na humahakbang na pababa sa hagdan. Galing sa kwarto ni Kuya, habang kinukusot pa ang isang mata nito. Syempre hindi naman pwede na sa silid ko siya matulog. Baka hindi na makaulit ito na pumunta rito kapag.
Kung tutuusin ay may bakanteng kwarto naman sa baba. Pero umayaw si Kuya na roon ito patulugin. Mas mabuti raw kung sa kwarto nito. Para mabantayan niya ang galaw ni Phyby.
Parang tanga lang eh.
"Oh, you're still awake, huh?" Sambit ni Phyby. Nang makita na ako nito.
"Hindi, tulog na ako siguro. Kaluluwa ko lang siguro itong nakikita ni'yo." Pamimilosopong tugon ko rito. Rason para matawa ito at bigyan ako ng batok ni Kuya.
"Ampangit ng sense of humor mo, Dia." Turan sa akin ni kuya't inirapan ko ito.
"Tss, eh bakit ba nandito kayo, Tanda?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Hindi ka kasi marunong magdahan-dahan sa paglabas sa kwarto mo. Kaya narinig ko at lumabas ako. Alam mo bang pasado alas-dose na, Dia." Seryosong saad ni kuya't humalukipkip na ito. Dahilan para umirap ako.
BINABASA MO ANG
Embracing the Thorns
AcakDhriyaila Thiara Yhelester is a selfless woman with a kinda jolly attitude. Lheirix Yheyr is a man who got curious with Dhriyaila's personality the first time he saw her. Then that curiousity lead them in meeting each other and ending up with embrac...