REPRESENTATIVE
******
Patapos na ang klase namin ngayong biyernes at kasalukuyan na naming tinatahak ang daan patungo sa gymnasium na madalas gamitin. Dahil may iaannounce raw sila. Buti na lang at buong maghapon akong hindi kinulit nila lheirix at Phyby dahil sa sinabi ni kuya kanina sa kanila.
"Gagiks! Ang akala ko talaga mapaparusahan na tayo kanina." Sabi sa akin ni Clain na nasa tabi ko.
"Ako rin naman." Sagot ko rito, tsaka ako natawa, nang maalala ko ang nangyari kanina.
Paano kasi ay todo ang kaba namin kanina. Pero pinasama lang kami sa office nito. Kasi may ipapabuhat na kahon ng mga design na gagamitin daw sa acquintance party sa tatlong lalaki na kasama namin. Samantalang inutusan naman kami ni Clain na ibigay ang memo sa mga teachers ng L.E.U.
Subalit hindi pa rin nakaligtas sila Phyby at lheirix kay kuya migy. Dahil binigyan niya ito ng babala. Na kung hindi raw nila ako papatahimikin ngayong araw na ito, at maulit muli ang kanina. Hindi na raw niya papayagan ang mga ito na makalapit sa akin o sa kahit kanino na parte ng pamilya namin. Kaya naman walang nanggulo sa akin ngayong araw na ito.
"By height daw ang paglinya. Separate boys and girls!" Announce sa amin ni Qhiell, president ng abm 11. Kaya naman dali-daling sumunod ang iba, meron ding hindi syempre at isa na ako roon. Dahil nanatili ako sa likuran kung saan nakalinya sila Clain.
"Dia, sa harap ka." Sabi ni Qhiell matapos niya akong kalabitin. Pero umasta ako na parang walang naririnig.
"Miss! Si Dia po a..." Hindi nito natapos ang pagsusumbong nito, dahil kaagad kong tinakpan ang bibig nito.
Damot!
"Oo na! Pupunta na sa harap!" Singhal ko rito, tsaka ko tinanggal ang kamay kong nakatakip sa bunganga nito at nakabusangot akong pumunta sa pinakaharap.
"Ang liit mo kasi, Dia!" Rinig kong kantiyaw nila Aiks at ibang lalaki sa likuran. Rason para naiinis kong pinagsalikop ang dalawang kamay ko. Tsaka ko na lang itinuon ang pansin ko kay Miss Zheissa na paakyat na ngayon sa entablado.
"G'afternoon Lighterns students!" Masayang panimula ng dein namin, syempre bumati rin ang ibang estudyante pabalik.
"I know that some of you already knew! About the acquintance party for Jhs except for grade 7 and 8, of course. Also for our Shs students! Am i right?" Sabi ni Miss Zheissa, rason para magsimulang umingay ang paligid.
"Ohh, sa ingay ni'yo pa lang! Halatang alam niyo na at sabik na sabik na kayo! Yes or yes?!" Tanong ni ma'am zheissa.
"Yes, dein!" Sagot naming lahat.
"So the acquintance party will be held on July 24! It will start at 5pm and it will exactly end at 12 midnight! It will be a masquerade theme! So be ready grade 9 and 10 and of course senior high school students! Because it will be the time that you will be relax and known that person wearing a mystery maskara!..One more thing some of the alumni of L.E.U. will be joining the party, we will also be having a special guest. Na pipili ng magiging face of the night..Anyway, magbibigay ng invitation ang mga teachers ninyo sa inyo! Iyon ang magiging rason para papasukin kayo sa day na iyon! Is that clear Lighterns students?!" Mahabang litanya ni Miss Zheissa. Rason para may ibang estudyante na ang mas nasabik. Lalo na ng sabihing may itatanghal na face of the night at may special guest pa! Na kung akala mo'y hindi pa nasanay, lalo na yung mga estudyanteng kasali rito noon.
"Yes, dein!" Sagot naming lahat.
"So next week is a busy week! For the preparation of the masquerade acquintance party. But it doesn't mean that you will no longer have a classes this coming week." Ani ulit ni ma'am zheissa, dahilan para may ilang estudyante ang umangal.
![](https://img.wattpad.com/cover/282925153-288-k623173.jpg)
BINABASA MO ANG
Embracing the Thorns
RandomDhriyaila Thiara Yhelester is a selfless woman with a kinda jolly attitude. Lheirix Yheyr is a man who got curious with Dhriyaila's personality the first time he saw her. Then that curiousity lead them in meeting each other and ending up with embrac...