KAIBIGAN
******
"Dia, tara na." Rinig kong aya sa akin ni Bia. Rason para tumango ako.Alas sais na ngayon ng gabi ng huwebes. Narito kami sa tapat ng isang fast food chain. Kasi magtri-treat si Qhiell sa buong klase. Kaarawan kasi nito ngayon. Ang dalawang van nila ang ginamit namin, at nagkasya naman kami roon. Isa pa'y may iba na ring nakisakay sa mga kaklase naming may gamit na kotse.
Kung tutuusin ay inaya ako kanina ni Phyby na sa kotse na ako nito sumakay. Pero tumanggi ako, kasi baka maging hassle lang iyon sa kaniya lalo na sa pag-uwi. Na dapat ay sa bahay na nila ito dederetso, pero kailangan pa nitong dumaan sa bahay namin para ihatid ako.
"Sabi ko naman kasi sa'yo. Dapat hinayaan mo na akong ihatid ka't hintayin sa kotse hanggang matapos kayo. Tapos ihahatid kita ulit sa bahay ninyo." Sabi ni lheirix, mula sa kabilang linya. Kung tutuusin ay ako na lang ang hindi pa pumapasok sa loob.
"Tanga, mas uunahin mo ba naman ito. Kesa sa mga dapat mong tapusin na activities." Sagot ko rito.
"Yep." Walang alinlangang tugon nito, rason para mapairap ako.
"Sige na nga. Ibababa ko na." Pagpapaalam ko.
"Let me guess, nagmamadali ka na. Kasi nagugutom ka na." Natatawang sambit nito, mula sa kabilang linya.
"Oo! Kaya huwag ka ng magbukas pa ng panibagong topic!" Singhal ko rito.
"Alright, just text me if pauwi na kayo't susunduin kita." Tugon nito, dahilan para mangunot ako ng noo.
"At bakit?" Tanong ko rito.
"Yah! Baka nakakalimutan mong boyfriend mo ako!" Singhal nito na ikinatawa ko naman.
"Oo na, pero huwag mo na akong sunduin. Ihahatid naman kami pauwi ng van nila Qhiell." Sambit ko.
"Alright, susunduin kita." Pagmamatigas nito, dahilan para mapapikit ako ng mariin.
"Apakakulit talaga ng lahi mo! Sabing huwag na, sayang lang ang gasolina!" Singhal ko't sinadya kong itutok ang bibig ko sa speaker ng phone ko. Rason para marinig ko ang pagtawa nito, nang muli kong maitapat ang phone ko sa kaliwang tenga ko.
"Oo na po. Tawagan mo na lang po ako kapag nakauwi ka na po." Tugon nito.
"Sige po, Kuya." Asar ko't bago pa man ito makapagsalita'y kaagad ko ng pinatay ang tawag. Tsaka ako natatawang pumasok sa loob ng fast food chain.
Kaagad kong iniligid ang paningin ko. Nang mapagtanto kong wala sila rito'y pumunta na ako sa ikalawang palapag ng fast food chain na ito't hindi nga ako nagkamali. Dahil kaagad akong kinawayan ni Qhiell, nang makita ako nito. Kaya naman ay kaagad akong lumapit sa pwesto nila, na kung hindi ako nagkakamali'y maraming nagamit na table at chair. Para mabuo ang isang mahabang table at doon pumwesto lahat.
"Doon ka sa tabi ni Phyby." Sambit ni Qhiell, nang makalapit na ako sa kanila. Rason para tumango ako't umupo sa kanang tabi ni Phyby.
"Lheirix didn't come with you, huh." Dinig kong sambit ni Phyby, dahilan para mapatingin ako rito.
"Marami kasing gagawin na activities ang hari." Sagot ko rito't sabay kaming napatingin sa phone ko. Nang magvibrate ito, kaya naman ay kaagad ko iyong tinignan. Tsaka ako natawa nang makita ang text ni lheirix.
'Mabilaukan ka sana.' Iyon ang nakalagay sa text nito't magrereply na sana ako. Nang muli itong may itext.
'Ready your explanation! Like, why you call me kuya at bakit mo pinatay ang tawag! 'Coz, I'll going to pick you up, later!' Text nito, dahilan para mapairap ako't gigil na nagtipa ng irereply.
BINABASA MO ANG
Embracing the Thorns
De TodoDhriyaila Thiara Yhelester is a selfless woman with a kinda jolly attitude. Lheirix Yheyr is a man who got curious with Dhriyaila's personality the first time he saw her. Then that curiousity lead them in meeting each other and ending up with embrac...