Prologue

294 216 47
                                    

   "Akala ko ba mahalaga ako sa'yo, akala ko ba mahal mo ako!" Galit na sigaw ng kaharap ko ngayon.

   "Oo, mahalaga ka sa akin. Pero paano naman ang nararamdaman ko?" Garalgal na sagot ko rito. Habang patuloy ang pagdaloy ng luha ko galing sa mata ko.

   "Anong katangahan iyan, ito na nga lang ang hinihingi ko sa'yo! Bakit hindi mo pa maibigay! You're so selfish! I hate you!" Sigaw nito sa akin at nagsimula na ring tumulo ang luha nito.

   Humakbang ako para yakapin siya, pero tinulak ako nito. Dahilan para mapaupo ako kasabay nang pagbuhos ng malakas na ulan.

   "Mahal kita, pero kung hindi mo magawa ang hinihiling ko..." Huminto ito ng ilang sandali at pinunasan nito ang patuloy na pagdaloy ng luha nito.

   "Mas mabuti na lang na kalimutan mo na ako. Dahil wala akong kilalang makasariling tulad mo!" Sigaw nito, at akmang aalis na ito sa kinatatayuan niya. Kaya naman ay niyakap ko ang isang paa nito.

   "Please, don't do this to me." Pagmamakaawa ko sa kanya. Habang pilit nitong inaalis ang pagkakayakap ko sa isang paa niya.

   "May pagpipilian ka! Iyon ay ang gawin ang hinihiling ko't mananatili ako sa'yo o ang unahin ang nararamdaman mo't saktan ako. Iyon lang naman. Pero hindi ka makapagdesisyon dahil masiyado kang makasarili!" Sigaw nito sa akin, at tuluyan na nitong natanggal ang pagkakayakap ko sa isang paa niya at dali-dali itong tumakbo palayo sa akin.

   Wala akong nagawa, kundi ang titigan ang pigura nito habang papalayo ito sa akin. Kung ganoon lang sana iyon kadali. Pero sadyang nahihirapan akong gawin ang hinihiling nito.

  Kanina pa ako nababasa ng tubig-ulan dito. Habang patuloy ang pagbuhos ng mga luha ko't nakaluhod sa kinalalagyan ko. Pero wala akong pakealam doon. Maya-maya pa'y tumingala ako sa malungkot na kalangitan. Na parang nakikisabay sa aking nararamdaman.

   "May pagpipilian ka! Iyon ay ang gawin ang hinihiling ko't mananatili ako sa'yo o ang unahin ang nararamdaman mo't saktan ako. Iyon lang naman. Pero hindi ka makapagdesisyon dahil masiyado kang makasarili!" Muli kong naalala ang mga sinabi niya sa akin kanina. Rason para mas humagulgol ako't parang unti-unting pinupunit ang puso ko, dahil sa sakit.

   'Why do we still need to sacrifice?'

   'Why do we need to feel pain in our life? Hindi ba pwedeng saya na lang?'

   'Bakit sa dinami-dami ng tao rito sa mundo. Bakit siya pa ang naging ganito?'

   'Sa isang iglap parang hindi ko na kilala't nakasama ang kaharap ko kanina.'

   'Sa isang iglap... parang ang tadhana'y nakikipaglaro, kahit hindi ko naman gusto.'

******ETT

Embracing the ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon