Chapter 1 Desperate
Precious Pov
"Bagay na bagay sila no?"
Napalingon naman ako kay Meryl na nakatingin sa labas ng bintana.
Umirap naman ako sa Ex kong gago at sa bago niya.
"Hindi sila bagay, animal sila". bored na sagot ko.
"Pfft. Bitter much?" pigil tawa niyang tanong.
"Naiinis ako at hindi bitter." sabi ko at umirap ulit.
"Galit kana niyan? Grabe no? sakit nila sa mata. Sampolan mo kaya."
Tinignan ko ulit sila sa may bintana at napansin kong nakatingin sa gawi ko si Acel at may O-ano-ka-ngayon-inggit ka?-look.
Tumayo naman ako at binitbit ang bag ko at lumabas.Tutal nakakabored sa room.
"Grabe! ang aga aga, PDA" pagpaparinig ko.
Napatigil naman bigla sila at napansing nakataas ang kilay nila parehas.
"Wow! Infairness, isang Precious Farrah Go, the Campus Queen, naghahabol sa EX. Very funny right?". pang aasar na sabi niya.
"Me? Nanghahabol? Come on, Acel Merae, paki-inform ako, kung tatawa na ako." sabi ko sabay irap.
"Sa ganang lagay, hindi ka naghahabol. Bitter!" sabi niya at inirapan ako pabalik.
Ngumiti naman ako at kinuha yung maliit na salamin.
Inayos ayos ko yung curly kong buhok."Ang ganda ko naman, para maghabol." painosente kong sabi.
"Mas lalong hindi ka naman aso, para maghabol." natatawang sabi ni Myel, ang bestfriend ko.
"Kasali ka ba sa usapan?" pagtataray ni Acel kay Myel at sabay ni-head to toe si Myel.
"Bakit? May batas na ba na bawal umepal sa usapan?." balik na pagtataray ni Myel.
Napatingin naman ako kay Dave na biglang hinawakan si Acel sa kamay.
"Enough!, napakaNonsense ng pinag aawayan niyo, at ikaw (sabay turo sakin), tigil tigilan mo na ang pagging DESPERADA mo". sabi ni Dave at in-emphasize pa talaga yung word na DESPERADA.
Napatigil naman ako sa kinatatayuan ko at halos mapanganga sa sinabi niya.
Napakagat na lang ako sa lower lip at umiwas ng tingin.
Bakit pagdating sa kanya, umaatras ang dila ko? Bakit hindi ko magawang magtaray, pag siya na?"Desperada." sabi ni Acel at tumalikod na at naglakad papasok ng room habang magkaholding hands sila ni Dave.
Feeling ko maiiyak ako.
"Hindi ako Desperada." bulong ko.
".Ang sarap talagang buhusan ng kumukulong muriatic acid! Kung makaasta akala mo wala kayong pinagsamahan. Argh! Ghad!." inis na inis na sabi ni Myel sabay gulo sa buhok niya.
Natawa na lang ako sa naging reaction niya.Akala mo naman na siya yung sinabihan.
".Sige tawa ka lang, as if na hindi nasasaktan. Sus! style mo Precious! Bulok style." pagtataray niya.
".Anong gusto mong gawin ko? Umiyak? Magmakaawa? Lumuhod kay Dave at sabihin na balikan ako? Hell NO!! Over my dead, sexiest, and prettiest body. Sayang naman yung ganda ko." Proud kong sabi with matching chin up.
Ako? Si Precious Farrah Go? Isang Campus Queen sa Go's University na pag mamay ari namin.
MagpapakaDesperada sa isang lalaki.
Well NO. Wala sa vocabulary ko ang word na yan.Basta ang gusto kong mangyari, makita ng isang Dave Gabriel Santos na yan, kung Ano yung pinakawalan niya.
***
BINABASA MO ANG
The Player's Target
Teen FictionSi Precious Farrah Go ay isang Campus Queen sa paaralang pamilya niya ang nagmamay ari. Maganda, mataray, matalino, at masayahin. Halos lahat ng bagay at materyal ay nasa kanya na. Pero nung niloko siya ng kanyang boyfriend na si Dave Gabriel, ay ha...