The Player's Target (37)

35 2 0
                                    

Chapter 37 Remember

Precious' Pov


"Precious"

Napalingon ako biglaan sa taong tumawag sakin.
Hindi ko alam kung ano yung dapat kong ireact. Kung maaari sana ayoko muna makipag usap.

"Mom, Tita" sabi ko.

Agad naman lumapit si Tita sakin at niyakap muna ako.

"Hija, kailangan ka ng anak ko" sabi niya.

Nilingon ko naman si Mommy na nagnod lang sakin.
Bakit ba ako ang pinipilit nila, ni hindi ko nga alam kung ano yung magagawa ko.

"Tita, hindi po ako ang kailangan ng anak niyo." Sabi ko at malungkot na umiling.

"Naniniwala akong, ikaw ang kailangan niya Hija. Mahal na mahal ka ng anak ko. Please. Nakakaawa yung kalagayan niya." Umiiyak na sabi niya.

Nakatitig lamang ako sa kanya, samantalang ako ay pinipigilan lang ang pag iyak.

Hindi ko na kasi alam kung ano pa ang kalalagyan ko.

"Tita, hindi po ako Diyos. Hindi ko alam kung bakit pilit niyo ako pinapupunta sa ospital" sabi ko.

"Please Hija, kung ano mang problema niyo ng anak ko ay pagpasensyahan mo na. Baka sakaling maramdaman niyang nasa tabi ka niya ay gumising na siya. Please" sabi niya.

Napanod na lang ako kahit labag sa loob ko. Kahit wala siyang malay ay ayokong makita yung tulad niya. Pero sa kabila ng lahat, minahal ko rin yung tulad niya.

"Maraming salamat Hija" sabi niya at agad akong hinila papasok sa sasakyan, kasama si.Mom.

Sumandal lang ako at kunwaring ipinikit yung mga mata ko.

After siguro ng 15 minutes ay nakarating na kami sa ospital at tahimik na sumakay sa Elevator.

"Mahal na mahal ka niya Hija, maniwala ka" sabi ni Tita bago lumabas ng elevator.

Sinundan ko naman siya kahit na sobrang kinakabahan ako. Parang gusto kong bumalik na lang hotel.

"Hija, naniniwala akong ikaw ang buhay niya. Basta nasa tabi ka lang niya, alam kong sayo siya kukuha ng lakas" sabi ni Tita.

Maya maya ay pinagsuot muna ako ng hospital gown, gloves at face mask. Then pinapasok ako sa isang room.

Nakita ko siya na payapang nakahiga habang may mga benda siya sa ulo. Marami rin siyang bandage sa katawan at marami ring nakatusok sa kanya.

Sobrang bigat sa damdamin kong nilapitan siya at umupo sa may upuan.
Nakakaawa yung kalagayan niya.

Nanlalamig at nanginginig yung kamay ko na hinawakan yung kamay niya.

Siguro ito na yung time para maglabas ng hinanakit. Kasi sabi nila kahit wala silang malay, maririnig pa rin nila tayo.

"Brent" sabi ko.

"Alam mo ba, noong bata ako. Makakatagpo rin ako ng gwapo na prinsipe at ako yung gagawin niyang prinsesa. Akala ko si Dave na yun, pero nagkamali ako. Sabi ko nga sa sarili ko na, hindi pala totoo yung fairytail. Ang sakit palang umasa. Hanggang sa matagpuan natin yung isat isa. Umasa na naman ako. Kaya heto ako ngayon. Sobrang nasasaktan." Sabi ko at unti unti nang nagsisituluan yung mga luha ko.

"Brent, sa ikalawang pagkakataon, umasa ako na ikaw na yung lalaking yun. Pero, nabigo ako. Sobrang madaya ka kasi, niligawan mo pa ako, e hindi naman ako yung talagang mahal mo. Pero alam mo? Pagkatapos nito, sa paggising mo, palalayain na natin yung isat isa, kasi Brent, kahit galit ako sayo, willing akong ibigay yung happiness na matagal mo nang gustong mabawi". Sabi ko at napahagulhol ng iyak.

Alam niyo yung feeling na sobrang nasasaktan ka? Pero siya, wala man lang reaksiyon, yung bang gustong gusto mong maramdaman niya yung hinanakit mo.

"Magpagaling kana, maraming naghihintay sayo. Maswerte ka talaga noh? Maraming nagmamahal sayo. Samantalang ako, wala. Hindi naman kasi ako kamahal mahal" nakangiting sabi ko at pinisil yung kamay niya.

Kahit na nasa ganito siyang kalagayan, hindi nawawala yung karisma niya.

"Brent, kahit na sinaktan mo ako ng sobra sobra at least pinaramdam mo sakin kung paano maging masaya, kahit panandalian lamang. Tsaka, after nito, pilit kong kakalimutan yung lahat dito. Tsaka malay mo matagpuan ko yung true love ko sa New York diba?" Mahinang bulong ko at tsaka hinaplos yung pisngi niya.


"Brent, kung sino man yung Ex mong minahal mo talaga, sana makuha mo siya. Tsaka, pinapalaya na kita". Sabi ko at dahan dahang tumayo at binitiwan yung kamay niya.

Break na kami. Hindi ko man marinig yung mga paliwanag niya. Sapat na sakin yung mga narinig ko.

Pinahid ko yung mga luha ko kahit na walang pagtigil sa pagtulo nito.

Pinapangako ko sa sarili ko na sa paglabas ko sa ospital na ito, ay ang paghinto ng mga luha ko. At ang paglimot ko dito.

Nilingon ko naman yung mukha niya na ngayon ay gising na siya.
Nakatitig lang siya sakin at tinanggal ko yung nasa bibig niya.


"Shen" mahinang sabi niya.

Hindi man ako yung una niyang binanggit at hindi ako tanga para hindi mahalata kung sino yung binanggit niya. Shen siguro yung pangalan niya.

"Brent" mahinang sabi ko.

Dahan dahan niya akong tinitigan at pansin ko yung pagiging seryoso ng mukha niya.

"W-who are you?" Tanong niya.

Napailing na lamang ako at tsaka lumabas sa room niya.

"Gising na po siya Tita" sabi ko.

Napansin ko yung pagkagulat niya at bigla siyang napayakap sakin at tuwang tuwa.

"Ikaw ang buhay niya Hija. Walang duda. Hindi ako nagkamali" sabi niya at nagmamadaling pumasok sa room.

Ngumiti naman ako at tsaka tumalikod nung makita kong nakatitig sakin si Mom.

Pero nginitian ko lamang siya at dali daling siyang nilampasan at nagpasyang umalis ng Ospital.

Agad akong pumara ng taxi at tsaka bumalik sa hotel kung saan ako nagsstay.
Napasandal ako sa pinto at dahan dahang napaupo sa carpet at tsaka umiyak ng umiyak.

Ngayon, narealize kong may amnesia siya. At sobra akong nasasaktan. Wala nang sosobra pa sa sobra.
Sana nga lang, matapos na itong luha na ito. Nakakasawa na rin umiyak e.

Dinaya mo na naman ako Brent. Ikaw nakalimot, habang ako ramdam na ramdam ko yung lahat ng sakit na idinulot mo.

Sana ako na lang yung naaksidente para kung sakaling magkaamnesia man ako, at least makalimutan ko yung ganitong pakiramdam.

Simula ngayon, pipilitin kong kalimutan ka rin Brent.

***

The Player's TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon