Chapter 38 The Ex
3rd Person's Pov
"MOM!" hindi makapaniwalang sabi ni Kenzo.
"Kenzo, anak, pansamantala lang naman kasi ito, hanggat hindi pa bumabalik yung alaala ng kuya mo" nagmamakaawa na sabi ng mommy nila.
"Tita. Okay lang po sakin" sabi ni Shen na ikinagulat ni Kenzo.
"What? Stop it Shen!" Galit na sabi ni Kenzo.
Naiinis si Kenzo sa idea na sinabi ng mommy nila. Dahil sa totoong may amnesia si Brent at ang bukod nitong naaalala ay yung time na sila pa ni Shen. At ang idea ng mommy nila ay ang magpanggap muna si Shen na maging girlfriend ni Brent.
"Ah tita, sandali lang po" sabi ni Shen at hinila si Kenzo.
"Kenzo, pansamantala lang naman" sabi ni Shen.
"Nakakagago Shen, isa itong katangahan!" Inis na sabi niya at sinipa yung nakakalat na lata sa daan.
."Kenzo, para rin ito sa kuya mo, at tsaka gusto kong bumaw--'
"Do it, Shen. Magbebreak tayo" seryosong banta ni Kenzo at tinalikuran ang girlfriend.
Magkaibang magkaiba talaga ng ugali sila Brent at Kenzo, kung may pagkabipolar si Brent, eto naman si Kenzo ay saksakan ng kasungitan at pagkamakasarili.
Makasarili siya pagdating sa Girlfriend niya. Lalo na't ngayong alam niyang Ex ni Shen ang Kuya niya.
"Kenzo please. Wag naman ganito" sabi ni Shen at niyakap si Kenzo.
"Mahal kita, sobra. Pero, kung magiging ganito ka. Tigilan na natin ito. Huwag mong gawing laro ang relasyon na ito Shen. Pag isipan mo" malamig na sabi ni Kenzo at inalis ang pagyakap ni Shen at tuluyang umalis.
Halos manghina ang kanyang mga tuhod sa inasal ni Kenzo. Sobrang mahal na mahal niya si Kenzo. At ngayon ay siya ang naiipit sa napakahirap na sitwasyon.
"Hija, anong desisyon mo?" Tanong ng mom nila Brent.
"Tita, sorry po. But I think hindi ako ang kailangan ni Brent. Mas kailangan po ako ni Kenzo" sabi niya at tsaka umalis rin at balak puntahan ang boyfriend niya.
Sa kabilang dako naman ay pumunta sa room ni Brent ang mommy niya. 2 weeks na rin ang lumipas nung magising si Brent.
"Si Shen? Mom?" Tanong ni Brent at nilingon yung pintuan at umaasang papasok si Shen.
"Brent, listen to me" mahinahon na sabi niya at umupo sa gilid ng kama ni Brent.
"Hijo, may amnesia ka. And Shen is not your girlfriend anymore." Paliwanag niya.
"Mom. Stop it." Sabi ni Brent.
"Hijo, yun ang totoo. Believe me. Si Precious yung girlfriend mo ngayon. Kung gusto mong patunayan ko pa" desperadang sabi ng ina niya.
"Whoever that girl, mom. I dont care." Inis na sabi ni Brent.
Kinuha naman ng mommy niya yung phone ni Brent at ipinakita yung mga pictures nila ni Precious.
"Hijo, believe me. Mahal mo ang babaeng iyan, utak mo lang ang nakalimot, hindi ang puso" seryosong sabi niya kay Brent.
"Kung totoo yang sinasabi mo, nasaan ang babaeng yan?" May pagkairitang tanong niya at natahimik na lamang yung mommy niya.
Dahil simula nung magising si Brent ay hindi na rin nagparamdam si Precious.
"See? Kung totoong girlfriend ko yan? Nasaan siya ngayon?" Naiinis na tanong niya.
BINABASA MO ANG
The Player's Target
Teen FictionSi Precious Farrah Go ay isang Campus Queen sa paaralang pamilya niya ang nagmamay ari. Maganda, mataray, matalino, at masayahin. Halos lahat ng bagay at materyal ay nasa kanya na. Pero nung niloko siya ng kanyang boyfriend na si Dave Gabriel, ay ha...