The Player's Target (24)

53 3 0
                                    

Chapter 24 Date ❤

Precious Point of view

Calling... Boyfriend <3

"Hmmm?" Nakapikit na tanong ko habang nakasubsob ang ulo ko sa study table.

Naramdaman ko naman na biglang may nagmasahe sa mga balikat ko at agad na lumingon dahil sa gulat.

"Brent? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Inend niya muna yung call at mabilis akong hinalikan sa pisngi.

"Dito ako matutulog" sabi niya at umupo sa couch na nasa tapat ko.

"Pero-'

"No more buts. Unless if you want me to do that thing" sabi niya at nakangising tumataas ang kilay.

"Che! Pervert ka" sabi ko at kinurot siya sa tagiliran.

"Tss. I am not"

"Wag ka nga magulo, gumagawa ako ng assignment" sita ko sa kanya.

"Assignment?" Tanong niya.

"Sa Math ah. Malamang sa malamang hindi mo alam, palibhasa laging tulog sa time ng Math" sermon ko.

"Tss. At least, Im mathematician" sabi niya.

"Edi ikaw na ang pinagpala sa Math" sabi ko at inirapan siya.

"Tss. Let me help you" sabi niya at inagaw yung notebook ko at yung ballpen.

Then yun, busy siya sa pagsagot ng assignment ko.
Matalino yan sa Math e, kahit matulog yan, alam na alam pa rin ang sagot.

"Kailan ka pa naging Math expert?" Tanong ko.

"Ah, since birth" saglit akong nilingon at kinindatan.

"Seryoso nga Romualdez. ano yun? Pagkapanganak mo pa lamang, nagbibilang kana agad?"

"Ganon na nga"

Masasapak ko talaga ito. -_-

"Since Gradeschool pa lang ako, nag advance study ako sa Math. Then nung 1st year nakikiseat in ako sa ibang year, at tinatakasan ko yung subject na Filipino, nakakamatay sa antok e" seryosong sabi niya.

Nagnod naman ako at tinitigan na lang siya.
Wala na akong masabi e.

"Im done" sabi niya at isinara yung notebook ko at iniabot sakin.

Sa loob ng 15 minutes, out of 50 nasagutan niya agad.
Ang hirap pa naman ng topic namin. ;3

"Reward ko?" Tanong niya at ngumuso.

"Utang muna" sabi ko at tumawa.

"Tss."

"Dinner date tayo sa labas? Reward mo na" sabi ko na agad niyang ikinangiti.

"Let's go" sabi niya at agad na dinampot yung jacket niya.

Malamig na rin naman kasi dito. Bilis nga ng araw e. Ber months na agad.

Tumayo na rin ako at nag ayos ng sarili. Kahit na dyosa na ako. Kailangan pa rin mag ayos. Hindi ako nagyayabang.

Lumabas ako ng kwarto at naabutan si Romualdez na inaayos yung buhok niya.

Isa pa ito, kahit pagsuotin mo ng basahan at kalbuhin mo, ang gwapo gwapo pa rin. Pero, wag siyAng magpapakalbo. Ayoko sa taong kalbo.

"Oy tara na," sabi ko at agad ko siyang nilapitan.

The Player's TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon