The Player's Target (23)

46 3 0
                                    

Chapter 23 L.Q

Precious POV

Nagising ako na agad yung celphone yung kinuha ko at umaasang nagreply si Romualdez. Pero wala.

Isang linggo na yung lumipas nung mangyari yung gabing nagsuntukan yung dalawa.

Hindi pa rin kami ayos ni Brent.

He always ignoring my calls and texts.
Hindi niya ako pinapansin sa tuwing kakausapin ko siya.
Parati ring umiiwas kapag alam niyang lalapitan ko siya.

Sa totoo lang gustong gusto ko na siyang tanungin kung girlfriend pa ba niya ako.

Kaso hindi niya man lang makuhang tignan ako.

Halos isang libong tanga ang narinig ko kay Myel nung sinabi ko yung nangyari nung gabi. Na ang tanga tanga ko raw dahil pinagmukha ko raw na masama si Brent.

Na halatang nagseselos daw.

"Tanga ka nga talaga, magagalit talaga yun kung yung girlfriend niya, makikitang kayakap ang ibang lalaki lalo na at sa Ex pa"

Oo na. Inaamin kong kasalanan ko. Kaya nga nagsosorry na diba?

"Alam mo? Ang swerte swerte mo na sa kanya. Yung sa tuwing nasasaktan ka, lagi siyang nandyan. Kaya ikaw naman yung gumawa ng effort para bumalik kayo sa dati" naaalala kong sabi ni Myel.

Ganun naman sa buhay diba? Yung marerealize mo lang yung isang bagay, kung kailan nawala.

At sa ipinaparamdam sakin ni Brent ay talagang triple sa sakit.

Hindi ko pa naman siya Mahal diba? Gusto pa lang naman diba?

Sa totoo lang, miss na miss ko na siya.

***

"Ano? Anong pakiramdam Precious?" Tanong ni Myel sabay tingin sa gawi nila Brent.

Bakit ba kasi ako pumunta dito sa canteen? Kainis. Sarap sabunutan yung babae na yan.

"Look Besfie oh. Anong say mo? Bagay pala sila" sabi ni Myel na sinamaan ko ng tingin. Mas mukhang kinakampihan pa niya yung Fatima na yan.

Agad akong tumayo para sana sugurin sila, pero ayokong magmukhang cheap sa harap nila. Kaya nagwalk out na lang ako sa canteen.

Nakakainis na rin talaga yang si Brent. Anong akala niya sakin? Hahabulin ko siya habang buhay? Masyado na talagang feelingero.

Dumiretso ako sa aking office para mabawasan yung init ng ulo ko. Ang sarap sarap talagang pag umpugin yung dalawa na iyon. Lalo na yang Fatima na yan. Feelingera din talaga.

"Sabihin mo kaya yung magic word sa kanya" tanong ni Myel na nakapasok pala dito sa office ko.

"Tch. Bahala siya. Kung ayaw niyang tumanggap ng sorry. Edi wag niya. Tapos na ako sa kanya"

"Yan ka kasi, kapag ayaw tanggapin yung sorry mo, ikaw pa yung nagagalit tapos magtataas na rin yung pride mo. Huwag ganun Besfie, nasaktan lang siguro yung tao, sa case kasi ni Brent ginawa lang niya yung part ng pagiging boyfriend niya sayo na sana gawin mo yung pagiging girlfriend mo" seryosong sabi niya at umupo sa tabi ko.

"Ginagawa ko naman diba?"

"Base kasi sa kwento mo, pinagalitan mo siya agad, sa halip na tanungin mo siya kung okay ba siya? Syempre sinuntok rin siya ni Dave diba?"

"Oo na nga, kasalanan ko na" sabi ko at tsaka umirap.

"Ayusin niyo na yan ngayon, kapag hindi pag uuntugin ko kayo. Iniistorbo niyo kami ng boyfriend ko" sabi niya sabay flip hair.

The Player's TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon