Chapter 51 Together
Precious' Pov
"Sigurado ka ba na pupunta siya?" Tanong ni Myel na kanina pang naiinip.
"Sure ako" mahinang sabi ko kahit na konting konti na lang ay mawawalan na ako ng pag asa.
Almost 1 hour na kaming naghihintay kay Brent.
"Besfie, kaya ko namang maghintay mag--'
"No. Baka mamaya masira pa yung plano niyo dahil sa babaeng yun" sabi ni Myel.
Maya maya ay may natanaw kaming isang kotseng pula na papalapit sa amin.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Thanks God. At dumating kana rin" nakacross arms na sabi ni Myel habang si Brent naman ay kabababa lang ng kotse.
"Ah sorry" sabi niya at nakakunot na napatingin kay Myel.
"Dont worry. Hindi ako kasama, sinamahan ko lang siya. Baka kasi inindian mo na" sarkastikong sabi ni Myel.
"Thank you Besfie" sabi ko kay Myel.
"Youre welcome. Basta maayos niyo na" nakangiting sabi niya at tinapik ako sa balikat.
"At ikaw, Romualdez. Ingatan mo yang kaibigan ko." Banta ni Myel at nagnod na lamang si Brent.
Maya maya ay agad na ring nagpaalam si Myel.
"Okay ka lang?" Tanong ni Brent.
"Y-yeah" sagot ko at ngumiti.
Ngumiti rin siya at kinuha yung maleta ko at ipinasok sa loob ng sasakyan. Habang ako ay umupo na rin sa front seat.
"Saan nga pala tayo pupunta?" Curious na tanong ko sa kanya nung pinaandar na niya yung sasakyan.
"May resthouse kami sa Batangas. Gusto kong doon ko tapusin yung business plan ko." Sabi niya at seryosong nagdrive.
Sobrang tahimik niya. Gustong gusto kong magtanong sa kanya, pero pinapangunahan ako ng hiya.
Hindi na rin kasi tulad ng dati.
Buong biyahe ay nakatulog ako at halos 2 oras ay nakarating na rin kami sa isang resthouse dito sa Batangas.
"Ayos lang ba na wala ka sa inyo? Baka hinahanap kana ng anak mo?" Tanong ni Brent nung pinagbuksan ako ng pinto.
Umoo naman ako at pinagmasdan yung lugar kung nasaan kami.
May isang bahay na malaki na yari sa kahoy at sobrang gandang pagmasdan. Kaharap ang isang napakalinaw na kulay bughaw na dagat.
Super relaxing nga naman kung dito ka magtatrabaho dahil sa katahimikan.
"Lets go" sabi niya at naunang pumunta sa bahay habang bitbit yung maleta ko na agad ko namang sinundan.
Agad akong namangha sa loob ng bahay. Lahat ay yari sa kahoy at kitang kita ang kalinisan ng bahay. Ang sarap sa pakiramdam kung dito maninirahan.
"Kailan yung huli mong punta dito?" Tanong ko kay Brent nung makaupo sa kama.
"5 years ago. Since na iniwan mo ko" sagot niya at umiwas ng tingin.
Natahimik naman ako at kunwaring pinagmasdan yung buong kwarto.
"Stay here. I'll prepare some foods" sabi niya at agad na lumabas ng kwarto.
Agad kong kinuha yung maleta ko para kumuha ng damit.
Nagpalit lang ako ngayon ng floral dress.Maya maya ay bumaba ako para maglibot libot pero dinala ako ng pang amoy ko sa kusina kung saan nagluluto si Brent na nakasuot ng black na apron.
BINABASA MO ANG
The Player's Target
Teen FictionSi Precious Farrah Go ay isang Campus Queen sa paaralang pamilya niya ang nagmamay ari. Maganda, mataray, matalino, at masayahin. Halos lahat ng bagay at materyal ay nasa kanya na. Pero nung niloko siya ng kanyang boyfriend na si Dave Gabriel, ay ha...