The Player's Target (31)

43 3 0
                                    


Chapter 31 Text

Precious Pov

Mabilis lumipas ang araw since na mangyari yung surprise thingy ni Brent.
Syempre kinilig ako, dahil alam kong nag effort siya talaga.

Pero nitong nakaraan lang din, ay may napansin lang ako bigla.

"Sino na namang katext mo?" Nag aalanganin kong tanong kay Brent na busy sa pagtetext habang nakaupo kami dito sa classroom.

"Tss. Ang kulit kulit kasi ng kapatid ko" sagot niya.

Hindi na lang ako umimik kundi tumanaw na lang sa labas ng bintana.

Ano pa bang ineexpect kong isasagot niya? Kundi kapatid niya raw katext niya.

Hello? Lalaki yung kapatid niya.

Trust him Precious. Boyfriend mo yan.

Lagi ko rin sinasabi sa sarili ko na pagkatiwalaan si Brent. Syempre, boyfriend ko yan.

"Huwag na magtampo Dora, ikaw lang priority ko" bulong niya at mabilis akong hinalikan sa pisngi.

"Stop calling me Dora, hindi nakakatuwa" sabi ko at inirapan siya.

Ang ganda ganda ko kaya compare sa Dora na yun.

Lakwatsera ba daw ako. Mga pauso nitong si Romualdez e.

"Galit kana niyan? Hayaan mo, mas maganda naman ikaw" sabi niya na biglang naghiyawan yung mga kaklase ko.

Sus! Kahit hindi mo na sabihin, maganda talaga ako.

Nilingon ko naman ulit si Romualdez at panay busy na naman sa pagtetext. Mamaya mababasag ko yung phone na yan.

"Labas lang ako" sabi ko at agad na naglakad palabas.

Nakakainis naman na talaga e. Kung dati naman hindi yan nagcecelphone, ngayon naman kulang na lang matunaw yung phone niya sa kakahawak niya.

Dumiretso na lang ako sa rooftop para tumambay. Mas relaxing kasi dito. Umupo naman ako at tsaka sumandal sa pader at ipinikit ko yung mga mata ko.

"OH Gee! HELP ME NAMAN OH!"

Napamulat naman ako nung marinig ko yung boses ni Myel.
Isa pa yan, akala mo pasan pasan lagi ang mundo.

"Problema mo na naman dyan?" Mataray na tanong ko at agad na lumapit sakin nung makita ko.

"Naguguluhan na ako Besfie!" Sabi niya sabay pout.

"Saan naman?" Tanong ko.

"Eh kasi parang gusto ko nang sagutin si Thristan pero."

"Pero ano?"

"Si Brae kasi e"

"Anong meron kay Brae?"

"Hindi ko alam, pero ginugulo niya ang isip ko" sagot niya.

"E? Umamin ba sayo si Brae?"

"syempre, hindi"

"You know, Myel. Si Thristan, sobrang nakikita ko na good influence siya sayo, at least mahal ka niya. Pero, compare kay Brae, masasaktan ka lang, ni hindi nga umaamin sayo at tsaka hindi ka naman yata niya gusto. Kaya magstick ka na lang sa taong mahal ka"

"Hays! I think tama ka."

"Kung nagkataon na papipiliin ka sa dalawa, si Thristan ba? O si Brae?"

The Player's TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon