Chapter 49 Business Deal
Precious' POV
"Ate, pinapatawag ka ni Dad sa office niya" sabi ng aking kapatid na si Mimi.
Nagnod naman ako at agad na pumanhik papunta sa mini office niya dito sa mansion.
Kitang kita ko yung pagiging busy ni Dad sa harap ng mga papeles niya kaya kumatok muna ako.
Then nakita kong nag sign siya na pumasok na. So I did.
Agad akong umupo sa may upuan na nasa harap ng table niya.
"Why dad?" Tanong ko sa kanya.
Inayos muna niya yung mga papers niya sa pagkakapatong bago ako hinarap.
"I'll give you a task." Seryosong sabi niya.
"What is it dad?"
"I want you to make a deal with the CEO of this company" sabi niya at may inabot sakin si Dad na isang paper na agad ko ring tinignan at binasa.
ROAB Comp.
"Kapag napapayag mo siya. I will let the GCU on your hands." Sabi niya.
"Ano bang meron sa company na ito Dad?" Curious na tanong ko.
"I need their materials para sa ipagpapatayo kong condominium. They have the best quality of materials." Sabi niya na ikinatango ko naman.
Nagnod naman ako as a confirmation na pumapayag na ako.
"So, Goodluck. I hope na magawa mo ito" sabi niya.
"Yes. Dad" sabi ko at tumayo na at lumabas na ng office niya.
Agad akong pumasok sa kwarto ko at pinagmasdan yung papeles na hawak ko.
Walang nakalagay na pangalan ng CEO, kundi number lang.
So weird.
Agad kong kinuha yung cellphone ko at dinial yung number na nakalagay dito.
"Good Morning. Maam/Sir. How can I help you?"
"Can I talk to the ROAB's CEO?" Tanong ko.
"Sorry Maam. But he's not here. You may leave your message. Maam."
Nag aalinlangan pa akong magsabi ng background ko.
So nag iwan ako ng contact number, para magpaset ng Appointment sa kanya.Nagulat ako bigla nung mag ring yung phone ko.
Calling.. Troy
"Hey"
(How's our daughter?)
"She's with Mimi. Naglalaro." Sabi ko at rinig na rinig ko yung pagbuntong hininga niya.
"Are you okay?" Tanong ko pa.
(Y-yeah. Of course. Take care"
"Of course. You should care yourself too. Miss kana ni Tracey"
(I miss her too.)
"Anyway, Troy. May inutos sakin si Dad. Gusto niyang makipagdeal ako" kwento ko sa kanya.
(Then?)
"Tinanggap ko. But, kinakabahan ako" sabi ko.
Rinig ko naman yung mga halakhak niya na nagpairap sakin.
Kainis. Ang gwapo ng tawa niya e.
(Magagawa mo yan. Idaan mo sa ganda mo)
Pakiramdam ko ay sobrang namumula na yung mukha ko sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
The Player's Target
Teen FictionSi Precious Farrah Go ay isang Campus Queen sa paaralang pamilya niya ang nagmamay ari. Maganda, mataray, matalino, at masayahin. Halos lahat ng bagay at materyal ay nasa kanya na. Pero nung niloko siya ng kanyang boyfriend na si Dave Gabriel, ay ha...