The Player's Target 43

37 1 0
                                    

Chapter 43 <|3

Precious' POV

"Im glad na gumaling kana" sabi ko sa gitna ng katahimikan.

Napansin ko rin yung pamamasa ng mga mata niya.

"That night, God knows how much I wanted to see you. At alam kong narinig mo yung pag uusap namin ni Shen" kwento niya.

Gusto ko siyang patigilin pero yung dila ko ayaw magsalita.

"That night. I realized, na ikaw lang yung babaeng kinababaliwan ko. Sinubukan kong timbangin yung nararamdaman ko sa inyong dalawa, pero. Ikaw ang mas matimbang" dagdag niya.

Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanya, pero yung pagtulo ng mga luha ko,ay walang katapusan.

"Believe me, wala akong intensyong saktan ka. Mahal kita, Mahal na mahal" sabi niya at tuluyan ng tumulo yung mga luha niya.

"How about this?" Nangangatal na hawak ko yung phone at ipinakita ko yung video. Ang patunay na pinaglaruan niya lang ako.

"God knows how much I Love you Brent. Then I realized also, Ako lang pala ang nagmamahal." Sabi ko sa kanya.

Umiwas naman siya ng tingin at agad na pinunasan yung pisngi ko.

Ngayon ay parehas kaming luhaan.
Pero, ako yung mas nasasaktan.

"Ginawa ko yun, dahil gusto na kita" sabi niya na ikinailing ko lang.

"Paano mo ako magugustuhan? Kung hindi ka makaget over sa Ex mo? In short, ginawa mo pa akong rebound" sabi ko at halos sasabog yung dibdib ko sa pag iwas niya ng tingin.

"Im sorry" mahinang sabi niya na sobra kong ikinaiyak.

*Sorry* ito talaga yung pinakamasakit na salitang narinig ko.

"Akala ko, ready na ako sa mga ganito. Isinabak ko na naman yung puso ko. Tang*nang puso kasi to. Masyadong nagmamadali" sabi ko.

At yung time na kung paano ako niloko ni Dave dati ang lalong nagpadagdag sakin ng sakit.

"Im sorry. Babawi ako" sabi niya at mahigpit niya akong niyakap.

Hinayaan ko lang siya at umiyak ng umiyak sa may dibdib niya.

Sa totoo lang, namiss ko talaga ang lalaking ito.

Mga 5 minutes ang itinagal namin bago siya kumalas ng yakap. Habang ako ay medyo napapahikbi pa.

I think, its time for our Separation.

"Brent. Thank you sa lahat. At least, you made me special. Of course, naappreciate ko lahat. Thank you, sa pagpapasaya sakin. Sa pagtulong sakin para makamove sa kanya. Thank y--'

"Enough. Im here. I Love you" pagputol niya sa sinasabi ko.

"Brent. Listen. I think we should need space" sabi ko.

"No" sabi niya at umiling lang ng umiling.

"I need space Brent. Graduation natin ngayon, kaya, yung feelings natin, palayain na natin" sabi ko.

"Please. Dont do this" pagmamakaawa niya.

"Brent, look. We should stop. Magpapakasal na ako next mo--"

"Pwede kang tumanggi Precious. Kung para sa business yan. Pwes, malaki ang kawalan namin sa business niyo Precious" sabi niya at seryosong seryoso.

"Tama na. Ayoko na. Tanggapin nalang natin na hindi tayo para sa isat isa Brent. Let's break up." Matapang na sabi ko at nilabanan yung mga titig niya.

The Player's TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon