Chapter 48 Changes
Precious' POV
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Troy habang buhat buhat si Tracey.
"Sa Mall. Mamimili. Sama kayo?" Tanong ko sa kanya at nilingon si Tracey na titig na titig sakin.
"Okay lang" sagot ni Troy at agad iniabot sakin si Tracey na agad ko ring binuhat.
"Baby? Gusto mo bang sumama kay mommy?" Tanong ko sa kanya at tanging pagtawa lang niya yung sagot niya.
Agad ko naman siyang binihisan at inayos yung bag na kakailanganin namin.
"Lets go?" Tanong ni Troy at agad na binuhat yung bag na puro gamit ni Tracey yung laman.
"I ready mo na yung kotse" utos ko sa kanya.
Nagnod naman siya at mabilis na umalis ng kwarto.
Binuhat ko na rin si Tracey at lumabas na.Pinagbuksan naman kami ng kotse ni Troy at mabilis rin kaming sumakay at tsaka umalis.
After 30 minutes ay nakarating na rin kami sa SM.
"Kaya mo pa ba?" Tanong ni Troy.
"Oo naman, hindi naman masyadong mabigat si Tracey"nakangiting sabi ko at nauna ng pumasok sa loob.
Pumasok muna kami sa Supermarket para bumili muna ng mga kailangan sa bahay.
"Bukas, lilipat na kami ni Tracey sa binili kong bagong bahay" pagopen up bigla ni Troy sa topic na yun.
"Troy, pinag usapan na natin yan. Hindi na kayo iba sakin ni Tracey" sagot ko.
"Precious, ayaw ko lang masanay ako at si Tracey sayo. Baka kasi kapag dumating yung time na magkaroon ka ng sarili mong pamilya, sobra na kaming mahihirapan" sabi niya na agad kong ikinatigil.
Naiintindihan ko naman yung gusto niyang iparating.
"Troy, kung mangyari man yang sinasabi mo. Ako pa rin ang ituturing ni Tracey na mommy niya" sagot ko at tsaka naglagay ng mga tinapay sa push cart na tulak tulak niya.
Tumahimik na lang si Troy sa tabi ko habang ako ay seryosong seryoso sa pamimili.
Masasabi kong sa loob ng limang taon. Nung makikilala ko si Tracey, ay nagmature na yung pag iisip ko.
Tsaka marami akong pagbabago na nabago ko sa sarili ko.
"Mommy" tawag ni Tracey kaya napalingon ako sa kanya at mabilis akong hinalikan sa pisngi.
Ang cute cute talaga ng batang ito.
Kung nabuhay lang siguro si Macey, for sure masaya siya kay Tracey.
"Troy, kuha ka naman ng mga jam" utos ko sa kanya na agad rin niyang sinunod.
After one hour na pamimili kami natapos nung umiyak si Tracey.
"Ssh. Dont cry baby." Pagpapatahan ko sa bata.
"Baka nagugutom na siya," sabi ni Troy at iniabot yung bottled milk ni Tracey.
"Doon muna kami sa kotse, Troy." Paalam ko sa kanya.
"Sige. Ingat" sabi niya.
Nagmadali naman akong umalis at pumunta sa parking lot. Habang sinususian ko yung kotse ay bigla itong nahulog.
Dahan dahan akong umupo para pulutin at medyo nahihirapan ako.
Ngunit may isang pumulot nito kaya tumayo na ako.
BINABASA MO ANG
The Player's Target
Teen FictionSi Precious Farrah Go ay isang Campus Queen sa paaralang pamilya niya ang nagmamay ari. Maganda, mataray, matalino, at masayahin. Halos lahat ng bagay at materyal ay nasa kanya na. Pero nung niloko siya ng kanyang boyfriend na si Dave Gabriel, ay ha...