Chapter 47 She's back
Precious POV
3 Years Later...
@NAIA"Maam, pinapasundo po kayo ni Sir" sabi nung isang driver.
Nagnod naman ako at hinayaan siyang kunin yung mga maleta ko at isinakay sa kotse. After that ay agad akong sumakay sa kotse.
Ayoko pa sanang umuwi, pero kailangan.
Inalis ko muna yung suot kong shades at isinandal yung ulo ko.
Wala pa rin talaga nagbabago dito sa Pilipinas. Mainit pa rin.
Almost 1 hour nung makarating kami sa mansion. Bumusina naman si Manong na agad rin kaming pinagbuksan ng isa sa mga katulong dito sa bahay.
"Salamat po. Manong" sabi ko at agad bumaba sa kotse.
Agad akong dumiretso sa loob ng bahay.
Pero walang katao tao. Para bang yung tulad lang ng dati.Kaya ayokong umuwi e.
Dumiretso ako sa kusina para sana uminom ng malamig na tubig para marefresh yung pakiramdam ko.
Pagpasok ko sa kusina ay halos mapasigaw ako sa gulat.
"WELCOME BAACCK!" Sigaw nila.
Halos manlaki yung mga mata ko dahil effort yung ginawa nila.
May banner, may party popper, mga foods at higit sa lahat kumpleto sila.
"Mommy!"
Napalingon ako kay Tracey na tumatakbo palapit sakin. Kaya agad ko siyang niyakap.
"I Miss you Mommy." Sabi niya at niyakap yung binti ko.
"I miss you too Baby" sabi ko at dahan dahan siyang binuhat at lumapit sa kanila.
"Mabuti at naisipan mo pang umuwi" biro ni Kuya Pat.
"Masama bang umuwi?" Tanong ko.
"Hindi naman, masaya lang at nandito kana" sabi ni Kuya.
"Oo nga Ate. Lagi ka kayang hinahanap ng pamangkin kong napakaganda" sabi ni Mimi.
"You looks so different, Hija" nakangiting sabi ni Mom.
"Not really, mom" sagot ko at sabay haplos sa buhok ni Tracy.
"Where's your daddy? Tracey?" Tanong ko sa 3 taon na si Tracey.
Umiling naman siya at pinaglaruan yung butones na nasa damit ko. Mukhang inaantok na nga ang batang ito.
"You looks so tired Hija. You may rest first" sabi ni Dad.
"Sige po. Nasa kotse yung mga pasalubong" sabi ko at tumayo na.
"Patulugin mo na rin yang si Tracey," sabi ni Mom.
Nagnod naman ako at agad na dumiretso sa kwarto na pinahanda nila.
Eto yung dati kong kwarto at binago na nila yung styles and designs.
Napansin ko rin yung isang color pink na crib na nasa tabi nung kama ko.
"Mommy. I want milk" sabi ni Tracey.
"Wait lang baby," sabi ko at saglit siyang inihiga sa kama ko para itimpla ng gatas.
Agad kong ibingay sa kanya yung dedehan niya at behave na umiinom ng gatas.
"Youre back"
Agad ko siyang nilingon na nakapamulsa sa may gilid ng pinto.
"Bantayan mo ang anak mo , magbibihis lang ako" sabi ko at agad na kumuha ng damit na pampalit.
Agad akong dumiretso sa CR at nagpalit ng damit.
Pagkalabas ko ng CR ay naabutan kong nakahiga na si Troy sa kama ko habang pinapatulog si Tracey.Dahan dahan akong lumapit sa kanila at sumampa na rin sa kama ko at tumagilid para pagmasdan yung bata.
"Para talaga siyang angel kung matulog" napangiting sabi ko at inalis yung subo subo nitong dedehan nung mapansin kong tulog na siya.
"Of course." Sabi ni Troy at saglit akong tinitigan.
Bigla naman siyang tumayo at maingat na binuhat yung bata para ilipat sa crib nito. Tsaka siya bumalik sa kama ko.
"Kamusta naman ang first week niyo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Lagi ka niya hinahanap, kaya lagi siyang umiiyak." Kwento niya.
Pinauna ko na kasi muna silang umuwi dito ss Pilipinas, dahil may imayos pa akong problema sa business namin.
"Just rest firsts Precious." Sabi ni Troy at mabilis akong hinila sa tabi niya.
"Pagod ka rin?" Nakapikit na tanong ko sa kanya.
Naramdaman kong inalis niya yung buhok kong nakaharang sa mukha ko.
"Yeah." Sagot niya at kinumutan niya ako.
Ramdam na ramdam ko yung mga yakap niya hanggang sa makatulog ako.
***
Saphire's POV
"Busy kaba?" Tanong ko kay Brent pagpasok ko sa condo niya.
"Hindi naman. Why?" Tanong niya.
Ngumiti naman ako at tumabi sa kanya sa couch.
Kahit nakapajama pa siya with his messy hair. Ang gwapo gwapo pa rin talaga."I-date mo ko" pagpapacute ko at kinurot siya sa ilong.
"Tinatamad ako" sabi niya na nagpasimangot ng mukha ko.
Agad akong tumayo at napailing.
"Ganyan ka naman parati. Lagi mo na lang ako tinatanggihan. Girlfriend mo naman ako kahit papaano" sabi ko.
"Tssk. Joke lang" sabi niya at agad na tumayo at ginulo yung buhok ko.
"Maliligo muna ako" sabi niya at mabilis na umalis sa harapan ko.
Napangiti naman ako at umupo sa may couch.
Almost 2 years na rin kami ni Brent. Sinubukan niya akong mahalin, and good thing, nagawa naman niya.Sa ngayon, ayoko na talaga siyang pakawalan.
Mahal na mahal ko na talaga siya.After siguro ng half hour nung matapos siyang mag ayos ng sarili. He's wearing plain red shirt tapos may eyeglasses pa siya na lalong nagpagwapo sa kanya.
Agad akong tumayo at inayos yung buhok niya.
"Ang baduy mo talagang pumorma" pagbibiro ko sa kanya.
"Bakit? Dont you like it?" Kunot noong tanong niya.
"Kidding. Gwapo mo nga e" natatawang sabi ko at sinamaan pa ako ng tingin.
"Magdedate tayo ng ganyan ang itsura mo?" Tanong niya at tinignan ako head to toe.
Nakashorts lang ako with long sleeve na color pink.
"Bakit? Ganda nga e" sabi ko sabay kindat sa kanya.
"Tss. Change your outfit. I dont like it" bored na sabi niya.
"What? Ayoko nga. Mas komportable nga ako dito" reklamo ko.
"Okay. No change. No Date" sabi niya.
"Okay fine." Pagsuko ko at agad na pumunta sa may drawer niya.
May mga damit rin kasi akong itinago dito.
So I ended up with my black dress na below the knee.
"Oy! Okay na ba?" Nakasimangot na sabi ko sa kanya.
Nagnod naman siya at agad akong nilapitan.
"Magsuot ka ng desente para hindi ka mabastos ng iba" sabi niya.
Nagnod naman ako at hawak kamay kaming umalis sa condo niya.
***
BINABASA MO ANG
The Player's Target
Teen FictionSi Precious Farrah Go ay isang Campus Queen sa paaralang pamilya niya ang nagmamay ari. Maganda, mataray, matalino, at masayahin. Halos lahat ng bagay at materyal ay nasa kanya na. Pero nung niloko siya ng kanyang boyfriend na si Dave Gabriel, ay ha...