Chapter 56 Mr. and Mrs. Romualdez
Precious' Pov
Puno ng palakpakan ang sumalubong samin at pagbati paglabas namin ng simbahan.
Syempre, hindi mawawala ang mga picture taking dyan.
"Welcome to our family, Hija" sabi ng mommy ni Brent at niyakap ako.
"Thank you po" sabi ko at ngumiti.
Maya maya ay hinagis ko yung flower at mismong si Myel ang nakasalo at mukhang gulat na gulat na nagpatawa sakin.
Naramdaman ko ang paghawak ni Brent sa aking baywang at inakay ako pasakay sa kalesa.
Yeah. Hindi kami sasakay sa bridal car papuntang reception place.
Kundi sakay kami sa kalesa na may dalawang kabayong puti.Kumaway naman kami at dahan dahan umandar yung kalesa.
RAmdam na ramdam ko yung pagyakap sa akin ni Brent.
"Ang sarap sa feeling na asawa na kita" bulong niya at hinalikan ako sa pisngi.
"Ako rin" sagot ko at ngumiti.
Ngumiti rin siya na lalong nagpagwapo sa paningin ko. Ngayon, alam kong malakas ang panghahawakan ko.
Akin na talaga siya.
"Excited na ako sa honeymoon, baby" bulong niya.
"Ang landi mo, Romualdez"
Tumawa naman siya at kinurot ako sa pisngi.
"Bakit? Ano bang iniisip mong gagawin natin?" Tanong niya.
"Wala" sagot ko.
"Tss. Wag kang mahiya, asawa mo na ako. Precious" sabi niya.
"Ewan ko sayo, Romualdez!"
"I Love you too, Mrs. Romualdez" sabi niya.
Ang sarap pala pakinggan.
Maya maya ay nakarating na rin kami sa reception place.
Inakay naman ako ni Brent pababa at hawak sa waist niya akong inalalayan paupo.Narito na rin yung mga pamilya namin, mga kaibigan, kamag anak at mga iba pang bisita.
Sobrang napakabless talaga ng araw na ito sa amin.
Una naming ginawa ay pinagsaluhan naming dalawa ni Brent ang pagkain, at pagkatapos ay nagkanya kanya na silang nagbigay mensahe na pinangunahan ng daddy ni Brent.
"Hijo, anak. Tanda mo pa ba? Noong 12 years old ka pa lang, na sinabi mo sakin na may crush ka. Pero, sinabi ko sayo na masyado ka pang bata para sa ganyan. Pero ngayon, heto ka sa harap ko, kasama ang babaeng mahal mo. Talagang napakabilis ng panahon, kung dati lagi kitang pinapaalalahanan, ngayon eto magkakaroon kana ng sarili mong pamilya. Masaya ako kung anong meron ka. Sana ay mahalin niyo pa ang isat isa at bigyan niyo na ako ng apo" sabi niya na ikinatawa ng mga bisita.
Nilingon ko si Brent na nakangiti sa kanyang ama.
Sumunod naman ay si Mommy.
"Precious, anak. Masayang masaya kami para sayo ng daddy mo, pati na ng mga kapatid mo. At nakilala mo na yung lalaking karapat dapat para sayo. Alam kong maraming pagsubok pa ang pagdadaanan niyo bilang mag asawa. Sana ay hindi kayo magsawa na mag unawaan sa isat isa. Dahil magiging magulang na rin kayo" sabi niya at nangingilid ang luha ko na tumango kay mommy.
Sumunod naman ay si Kuya Patrick.
"Hello sa napakaarte at napakapangit kong kapatid" panimula niya na nagpatawa sa mga bisita.
BINABASA MO ANG
The Player's Target
Teen FictionSi Precious Farrah Go ay isang Campus Queen sa paaralang pamilya niya ang nagmamay ari. Maganda, mataray, matalino, at masayahin. Halos lahat ng bagay at materyal ay nasa kanya na. Pero nung niloko siya ng kanyang boyfriend na si Dave Gabriel, ay ha...