The Player's Target (44)

41 1 0
                                    

Chapter 44 Goodbye

Precious' Pov

7:00 am

"Mag iingat kayo dun. Susunod kami" sabi ni Mom.

Tumango na lang ako at nagulat sa biglaang pagyakap niya sakin.

"Mag aral ka ng mabuti." Sabi niya.

"Opo. Thanks Mom" sabi ko.

Isinakay naman ni Kuya Pat yung mga maleta ko sa kotse.
Hindi na rin kasi ako nag abalang magpahatid sa kanila sa Airport.

"Always kang tumawag Panget" bilin ni Kuya Pat.

"Sure" sagot ko at ngumiti ng pilit.

Maya maya ay sumakay na ako sa kotse nila Troy at umalis na.

Nakakalungkot rin palang umalis sa bahay, kahit na hindi maganda yung mga memories sa bahay na iyon.

"You can go back, if you want" rinig kong sabi ng katabi ko.

Nilingon ko naman siya sandali at tsaka inirapan.

Gwapo nga. Saksakan naman ng kasungitan.

"Ikaw. Umatras kana." Sabi ko kahit na alam kong hindi niya ako maririnig dahil nakaheadphone siya.

Sumandal na lang ako sa upuan at tahimik na pinagmamasdan yung labas.

***

Maya maya ay nakarating na rin kami sa Airport.
Agad akong bumaba ng kotse at nakita si Troy na abala sa pagbaba ng dalawa kong maleta habang siya ay nakabag pack lang.

Kukunin ko na sana yung maleta ko nung hinila niya iyon at pumasok na sa may Airport.

Kahit pala papaano ay may pagkagentleman rin pala.

Sumunod na rin ako sa kanya at baka magsungit na naman kaya hinayaan ko na lang.

Umupo naman muna kami upang hintayin yung flight namin. Kahit sobrang tahimik namin ay magtitiis muna ako. Hindi naman kasi kami masyadong close e.

"BESFIE!" Rinig kong sigaw ni Myel.

Napatayo ako bigla at inilibot yung mga paningin ko nung makita ko si Myel na tumatakbo palapit at kasama niya pala si Thristan.

"Kainis ka! Aalis ka na agad na walang pasabi" reklamo niya at naluluha pa.

"Basta, mag ingat ka rito. Mag sipag ka ngayon, lalo na't college na tayo" paalala ko sa kanya at niyakap siya to ease her sadness.

"Ikaw rin Besfie. Mag iingat ka palagi. Ako lang dapat yung bestfriend mo ah?" Tanong niya na ikinangiti ko.

Masasabi ko nga talagang si Myel yung naging totoo kong kaibigan kahit na minsan ay tinatarayan ko siya.

"Oo naman. Tsaka, pakatatag kayo ni Thristan." Paalala ko sa kanya at kumalas sa pagyakap.

"Sino naman yang kasama mo?" Tanong ni Thristan na nakatingin pala kay Troy.

"S-si Troy." Sabi ko.

"Kuya mo?" Tanong niya pa.

Umiling lang ako bilang sagot. Tinignan ko naman si Myel na nakatingin sa malayo.

"Fiance ko" sagot ko na mukhang ikinagulat niya.

"Totoo ngang break na kayo?" Tanong ni Thristan na nagpatahimik sakin.

Alam kong nasasaktan ko siya, pero kailangan.
Mas pinapairal ko pa rin yung pride ko.

Hindi na rin nagsalita pa si Thristan. At nag usap lang kami ni Myel tungkol sa pagkuha niya ng course.

The Player's TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon