The Player's Target (18)

44 3 0
                                    

Chapter 18 Decision

Precious POV

"Thank you Mr. Suarez." Sabi ko sabay kuha nung mga papeles ko pati passport na pinaasikaso ko kagabi.

Napangiti naman ako ng mapait nung inilagay ko ito sa may loob ng maleta ko.

"Sige po Maam. Enjoy your visitation in States." Sabi niya at nginitian ko at umalis na siya sa kwarto ko.

Pinagmasdan ko naman yung sarili ko na sobrang namumugto yung mga mata ko dahil sa pag iyak.
Idagdag pa yung hindi ako makatulog sa biglaang pag amin ni Brent sakin.

Gusto pa lang naman niya ako e. Mawawala rin yun for sure.

Calling.... Mimi

Agad kong kinuha yung phone ko at pumunta sa may veranda. Tsaka sinagot yung tawag nung kapatid ko.

(Ate)

"Napatawag ka Mimi?"

(Totoo bang pupunta ka dito?)

"P-pano mo nalaman?"

(Mom, texted me. Why ate? Si Dave ba? Anong ginawa niya sayo?)

Tumawa naman ako ng tumawa na akala mo may nakakatawa. Talagang aminado nga sila na umalis ako diba.

"Namimiss kana kasi ni Ate kaya ako pupunta dyan."

(But Ate, gusto ako ni Mom na umuwi ngayon. May nangyari ba? Tell me.)

"Nothing little sis. Nakiusap lang ako kay Mom. Syempre, gusto ko namang maranasan yung buhay dyan." Palusot ko.

(Okay Ate. Just text me if nasa airport kana. Susunduin kita. Dont worry, hindi ko uuwi dyan sa Pilipinas. Ayokong maiwan yung studies ko dito.)

"But Mimi, miss ka na nila. Gusto ka nilang makas---:

(Bye Ate. Ingat sayo. Text me nalang. Dont forget.)

Call ended.

Napabuntong hininga na lang ako at bumalik na sa kwarto.
Ayokong maabutan ko pang magising sila Dad.

Sabagay wala naman silang pakialam sakin kung umalis man ako.
Tsaka nalaman na rin ni Kuya Pat kagabi lang, kaya nagtatampo siya sakin ngayon. Kahit ilang beses ko pang ipaintindi sa kanya, ayaw niya akong pakinggan.

Napatingin naman ako sa wall clock dito sa kwarto ko. And its already 5:30 am. Tahimik ko na ring ipinatawag yung driver ko para ilagay na yung mga maleta ko sa kotse.

Pinagmasdan ko yung kwarto ko. At ngumiti. Isa ito sa pinakafavorite spot ko dito sa bahay. Dahil isa ito sa naging witness ng aking pag iyak. Dahil dito sa kwarto ko lang nailalabas yung sakit na nararamdaman ko.

"Iiwan kitang malinis ah. Sana pagbalik ko, malinis ka pa rin. Thank you for letting me stay." Sabi ko at dahang dahang lumabas ng kwarto at nilock yung pinto ng kwarto.

Tahimik lang akong lumabas ng bahay at sumakay sa kotse, pero bago yun umalis ay tinitigan ko yung kalakihan at kagandahan ng bahay namin.

Mas gugustuhin ko pang tumira sa maliit at masikip, basta masaya.

Parang nung isang linggo lang. Ang saya saya nung mga nangyari sa school. Pero heto ako ngayon.

Nagiguilty rin ako, dahil hindi man lang ako nakapagpaalam sa Bestfriend ko.
Na isa ring nakasaksi sa mga pinagdaanan ko. Pakiramdam ko na hindi niya ako deserve na maging bestfriend niya.

The Player's TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon