The Player's Target (39)

34 2 0
                                    


Chapter 39 Girl Talk

Myel's POV

"Ayos na ba si Brent?" Tanong ko sa kararating lang na si Thristan.

"Hindi pa rin siya nakakaalala" sagot niya at umupo sa tabi ko.

Naaawa tuloy ako sa bestfriend ko dahil sa nangyayari ngayon sa kanila. Hindi ko lang maintindihan kung bakit labis yung galit niya kay Brent.

"Wala pa ba ang bestfriend mo?" Tanong niya at nilingon yung upuan ni Besfie.

Umiling lang ako at sumandal sa balikat niya.
Baka sobrang nahihirapan yung bestfriend ko kaya siya pumasok ngayon.

Napalingon naman kami sa may labasan nung parang may napapansin kaming may naguusap usap.

Maya maya ay biglang pumasok si Brent.

"Brent!" Tawag ni Thristan at nilapitan si Brent.

"Thristan" sabi ni Brent at kunot noong tumingin sa paligid.

"Papasok kana ulit?" Tanong ni Thristan.

"Yeah. Nag iba na pala ang YCU" sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"Pre. GCU ito. School na pagmamay ari ng girlfriend mo. Binibisita ko lang rin dito ang girlfriend ko" sabi ni Thristan at saglit akong nilingon.

Alanganin naman akong ngumiti at tinignan si Brent na nakakunot ang noo.

"School na pagmamay ari nila Shen?" Tanong niya.

"No. Nila Precious. Siya yung girlfriend mo. And siya si Myel, yung bestfriend niya" sabi ni Thristan at hinila palapit si Brent sa pwesto ko.

"Tss. Hindi ako nakikipagbiruan Thristan. Nasaan si Shen?" Seryosong tanong niya.

Ako naman ay halos mapuno ng question mark ang mukha ko. Dahil sa sobrang pagkalito sa nalaman ko.

"May amnesia ka Brent, kaya hindi mo maalala si Precious." Pag epal ko sa usapan.

"Tama siya Pre. May amnesia ka, at si Precious talaga ang girlfriend mo" dagdag ni Thristan.

"Tigilan niyo ako. Wala akong panahon sa mga kalokohan niyo" sabi niya at padabog na lumabas ng classroom.

Kung wala lang yang amnesia sinuntok ko na yan. Nakakabwisit e.

***

Precious' Pov

Inayos ko muna ang yung suot ko at kinuha yung bag ko. Kailangan kong maging maganda sa paningin ng lahat.

Agad akong nagpunta sa parking area at sumakay sa kotse.
Kahit nabibwisit ako sa Shen na yun ay pupuntahan ko na siya. Tsaka hindi ako magpapatalo dun noh.

After 30 minutes ay nakarating na ako sa Ice cream Shop na pagkikitaan namin.

Taas noong pumasok ako at hinanap yung babaeng biglang kumaway sa may bandang dulo.

Tinitigan ko muna siya at halos gusto ko na lang umalis.

Damn. Sobrang ganda nga niya. Long hair, maputi at mukhang manika.

Dahan dahan akong lumapit at walang sabi sabing umupo sa tapat niya at nagcross arms.
Kailangan kong umakto sa normal kong kagandahan.

"Anong gusto mong order--"

"Nah. Sabihin mo na lang ang gusto mong sabihin. May pasok pa ako" sabi ko.

"Ah ganon ba? Let me introduce myself, Im Shen Nicole Gutierez" sabi niya at ngumiti na parang anghel.

Ganito pala talaga ang mga tipo.ni Brent. Kaya siguro hindi ako pumasa. Anghel pala ang gusto niya.

"Im Precious" sabi ko at sumandal sa upuan.

"Gusto kitang kausapin tungkol sa kanya, sorry kung ano man yang inaakala mo" sabi niya na nagpairita sakin.

"Bakit? Wala naman akong inaakala ah. Meron ba dapat? Kung mahal niyo pa rin yung isat isa. Then Go. I dont care" mataray na sabi ko. Pero pakiramdam ko ay puputok yung puso ko sa sobrang lungkot.

"Kung totoong mahal mo si Brent, wag kang umalis sa tabi niya. Hindi ka man niya maalala gawin mo ang lahat para makaalala siya" sabi niya na nagpangiti sakin.

Ngiting sobrang lungkot.

"Totoong mahal ko siya pero, hindi niya ako minahal" sabi ko.

"Mahal ka niya Precious. And besides, nakamove on na siya sakin" sabi niya.

"Bakit? Sa tingin mo ba ikaw ang problema namin? Well, hindi naman sayo umiikot yung problema namin. Kung may problema man sa relasyon namin, wala kana dun." Inis na sabi ko.

Feelingera talaga ang babaeng ito. Porket ba hindi siya kalimot limot na sabi ng hinayupak na yun magsasalita na siya ng ganyan ngayon.

"Tinutulungan ko lang kayo, hindi na iba sakin si Brent, bukod sa Ex ko siya, kapatid siya ng boyfriend ko" sabi niya.

"Nah. I dont need your help anyway. Wala nang dapat ayusin pa." Sabi ko at tumayo na. Wala rin naman patutunguhan ang usapan na ito.

"Please. Bago ako umalis. Ayusin niyo na yung problema niyo. And help him na maibalik yung alaala niya" rinig kong sabi niya.

Tinalikuran ko naman siya at agad na umalis.
Wala siyang karapatan na diktahan yung dapat kong gawin. Wala akong kailangan na kahit anong tulong.
Ayoko na. Pagod na ako.

Sumakay naman ako sa kotse at pinaharurot ito.
Sa ngayon, kailangan kong bumalik sa school. Gusto kong magfocus muna sa pag aaral.

Nakarating naman ako sa school at halos lahat sila ay nakatingin sakin. Well ikaw ba naman makakita ng Diyosa.

Sumakay ako sa elevator at taas noong nakangiti. Well, kailangan ko pa rin magmukhang masaya sa harapan nila.
Ayokong makita nilang malungkot ako at nagpapakatanga sa isang lalaki.

"Welcome back, my dear" salubong ni Aecel na makita ko siya pagkabukas na pagkabukas ng Elevator.

"Thank you" nakangiting sabi ko at nilampasan siya pero bago yun ay binangga ko pa siya gamit ang balikat ko.

Wala naman akong narinig na sa kanya kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makapasok sa room ko.

"BESFIE!" SIgaw ni Myel at kumaway kaway.

Ngumiti naman ako at lalakad na sana nung may bumangga sa likuran ko dahilan na mapaupo ako sa sahig.

Kahit medyo masakit ay tumayo agad ako at hinarap yung walanghiya na iyon.

Pero bago pa ako makapagsalita ay halos manghina yung mga tuhod ko.

Bumalik na pala siya dito.

"Paharang harang ka kasi" masungit na sabi niya at nilampasan ako.

"At Bulag ka naman? Hindi mo ba alam kung sino ang kinakabangga mo?" Mas masungit na sabi ko.

"Girlfriend ko" rinig kong sabi niya.

Napatigil lang ako at halos bumilis yung pagtibok ng puso ko.

"Ang sabi nila, ikaw ang Girlfriend ko. Hindi ako naniniwala, hindi ikaw ang babaeng tipo ko" sabi niya.

Halos umusok yung tenga ko sa narinig ko. Agad ko siyang hinarap at tinaasan siya ng kilay.

"At sa tingin mo? Ikaw ang tipo ko?"

Hindi naman siya nagsalita at umupo sa upuan niya.

Ako naman ay halos padabog na umupo.

Nagbalik na nga siya sa pagpasok.

Dont worry Brent. Tutulungan kitang makaalala ulit. Para malaman mo, kung gaano mo ako sinaktan.

Kung ano ano ang kagaguhan ang ginawa mo.

At sisiguraduhin ko kapag nakaalala kana ulit,

Wala kana sa buhay ko.

***

The Player's TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon