The Player's Target (52)

53 2 0
                                    

Chapter 52 Brecious ❤

@Batangas

Precious' Pov

"Precious?"

Napalingon ako bigla sa kanya at nagulat dahil sa biglaang pagflash ng camera ng phone niya.

Napakunot naman yung noo ko at pansin ko ang pagngiti niya habang nakatingin sa phone niya.

"Brent!? Baka ang panget niyan Hah!" Sabi ko sa kanya na ikinalingon niya.

"Kahit kailan, hindi ka pumangit sa paningin ko" sabi niya na nagpainit ng mukha ko.

Kahit kailan rin, hindi ka pumangit sa paningin ko, Romualdez.

Lumapit naman siya sakin at inakbayan ako.

"Mamaya babalik na tayo sa Manila" sabi niya.

Nakaramdam tuloy ako ng lungkot. Magkakahiwalay na naman kami. Totoo ngang bumawi siya sakin sa loob ng 3 days dito sa Batangas after niya akong iwan dahil kay Saphire.

"Oo nga e" sagot ko na lang at napabuntong hininga.

Nagulat ako bigla nung biglaan niya akong binuhat ng pang bridal style at dumiretso siya sa dagat.

"Kailangan na nating sulitin ito" bulong niya hanggang sa umabot na sa waist niya yung tubig.

"Bitawan mo na ako Romualdez, marunong akong lumangoy" sabi ko na biglaan akong binitiwan.

Nakasuot ako ng shorts at plain white Tshirt ganun din si Brent. Nahihiya pa kasi akong magtwo piece.

May pagkapervert pa naman yang si Romualdez.

Sumisid naman ako nung biglang may humila sakin at umahon.

"Mahal kita, Precious. Mahal na mahal" sabi niya at sobrang seryoso niya pa.

"Mahal na mahal rin kita, Romualdez" sabi ko at ngumiti.

Ngumiti rin siya at mabilis akong hinalikan na agad ko ring tinugunan.

Sa ngayon, napatunayan ko talaga sa sarili ko kung gaano kahalaga ang lalaking ito.

"Kapag ba naayos ko na yung problema sa Manila, papakasalan mo ba ako?" Tanong niya na sobrang nagpabilis ng heartbeat ko.

Of course gusto ko. Pero?

"Oo naman" sagot ko.

Naguguilty ako para kay Tracy, dahil alam niyang ako yung mommy niya. Ayokong maging malungkot siya.

Pero, mahal ko ang lalaking ito.

"Trust me, Farrah. Trust me" paulit ulit na sabi niya at mahigpit akong niyakap.

"Of course" bulong ko.

***

"Kahit anong mangyari, mahal na mahal kita" sabi niya at hinawakan yung magkabila kong pisngi.

Nagnod naman ako at ngumiti ng pilit.

Nakakalungkot dahil parati na lang may humahadlang sa amin.

"Tatawagan kita. Mag iingat ka palagi"

"Ikaw rin Romualdez" sabi ko at mabilis niya akong hinalikan sa noo.

"See you again. Farrah" sabi niya.

Nagnod naman ako at dahan dahang binuksan yung pintuan ng kotse niya.

Bababa na sana ako nung maramdaman kong hinawakan niya ako sa braso.

The Player's TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon