Chapter 27 GCU or YCU
"Hi kapatid kong pangit"
Napalingon naman ako at gulat na nilingon si Kuya Pat na nakasakay sa kotse.
"Kuya Pat" nakangiting sabi ko.
"Sumakay kana" sabi niya.
Agad kong tinext si Brent na hindi muna ako makakasabay sa kanya at sumakay sa kotse ni Kuya Pat.
Namiss ko tuloy siya ng sobra. Lalo na sa bahay.
"Kamusta kana?" Tanong niya
"Im fine Kuya, ikaw? Kayo?" Tanong ko at ngumiti.
"Eto, malungkot sa bahay. Wala kasi ang dalawang prinsesa" sabi niya at ginulo ang buhok ko.
"Si Dad at Mom?"
"As usual, busy sa pagpapayaman" sagot niya.
Hindi na ako magtataka. Mula bata pa kami ay sanay na sanay na kami na lagi silang busy sa kanilang trabaho. Lalo na si mom, na inaapply niya yung pagiging professional niya sa bahay. Kaya lagi siyang seryoso sa bahay.
"I missed Mimi" sabi ko.
"Dont worry sis, uuwi siya sa Christmas vacation" sabi niya at ngumiti.
Napangiti naman ako at hindi na ako makapaghintay na makauwi si Mimi.
Sa bahay kasi siya yung pain reliever ko."Kailan ka uuwi sa mansyon?"
"I dont know kuya" sabi ko.
Lalo na at hindi pa rin kami okay ni Mom.
"Galing pala kagabi si Dave sa bahay" sabi niya.
"B-bakit daw?" Kinakabahang tanong ko.
"Hindi ko alam, sila ni Mom ang magkausap e. Seryosong seryoso sila. At kung ano man yun, hayaan mo na" sabi niya.
Hindi ko maiwasang hindi kabahan. May kutob kasi ako na may kinalaman yun sakin. Lalo na't kapag pumupunta si Dave sa bahay ay ako lang ang dahilan.
"Sana nga Kuya." Sabi ko at tumingin na lang sa labas.
"At galing rin si Brent sa bahay kagabi" sabi niya na ikinagulat ko.
Ano bang meron at nagpuntahan sila sa bahay namin.?
"Bakit daw?"
"Hindi ko rin alam, si Dad ang kausap niya. Grabe, OP ako" sabi niya at nagpout na ikinatawa ko.
"Sana magtagal kayo ni Brent. Lalo nat nakikita kitang masaya sa kanya" sincere niyang sabi.
"We will. Kuya" sagot ko.
Ngayon, iniisip ko lang kung gaano talaga ako kasaya sa tuwing kasama ko si Brent. Para bang hindi ako galing sa break up kay Dave.
"Boto ako sa kanya. Kaya ikaw, wag na wag mo na pakawalan yun. Hayaan mo na yung Dave na yun"
"Opo na po" sagot ko.
Maya maya ay tumigil na kami sa tapat ng gate ng GCU.
"malapit na yung sembreak, gusto kong gumala tayo. " sabi niya.
"Sure kuya. Text me nalang" sabi ko at nagnod naman siya at nagpaalam na.
Agad akong pumasok sa GCU at panay binabati nila ako na agad binabati ko rin pabalik na mukhang ikinagugulat nila.
BINABASA MO ANG
The Player's Target
Teen FictionSi Precious Farrah Go ay isang Campus Queen sa paaralang pamilya niya ang nagmamay ari. Maganda, mataray, matalino, at masayahin. Halos lahat ng bagay at materyal ay nasa kanya na. Pero nung niloko siya ng kanyang boyfriend na si Dave Gabriel, ay ha...