Chapter 58 Dream
Myel's POV
"Mama! Alis na po ako" paalam ko sa aking ina na busy sa pagluluto.
"Sige, Hija. Mag iingat ka" sabi niya.
Ngumiti naman ako at kinuha yung bag at umalis na.
Sinakyan ko ang sarili kong kotse, para muna dumaan sa mall. May gusto lang akong bilhin.
Mga 20 minutes nung makarating ako sa mall.
Agad kong sinuot yung sling bag ko at pumasok sa mall.Agad kong pinuntahan yung isang dress na nakita ko sa isang shop para bilhin. Dahil sa medyo may kamahalan kaya ngayon ko lang ito binili.At sakto dahil ngayon ay SALE.
"mas bagay sayo ito"
"Really?"
"Yes."
Napatigil naman ako sa pagtingin ng iba pang dress nung may pamilyar na boses akong naririnig.
"Thristan? What color ba babagay sakin?"
"Color pink, I think. Yana"
"Ah Maam. Here's your change" sabi bigla ng saleslady na umagaw ng pansin sakin.
Agad kong kinuha yung sukli at yung paper bag at agad na lumabas ng shop.
Dahan dahan kong nilingon ulit yung loob, ng makumpirma kong si Thristan yon.
Sunod sunod yung pagtulo ng mga luha ko, nung makita ko kung sino yung babae.
Walang iba kundi si Eliana.
Si Eliana na halos naging kontrabida sa buhay namin ni Precious.
Akala ko kay Brent lang siya may interes. Pati rin pala sa naging boyfriend ko.
Malandi ka pa rin talaga.
Pinunasan ko agad yung luha sa mga pisngi ko at nagmadaling pumunta sa parking lot. Sumakay agad ako sa kotse at halos matulala sa harapan.
Yung pilit ko siyang inaalis sa isip ko, hindi ko man lang magawa.
Sobra ko pala siyang minahal na umabot sa pagkataong ako ay mababaliw na.
Gustuhin ko mang tawagan si Precious ay hindi ko magawa dahil ayokong maistorbo ko ang honeymoon nila ni Brent. At mas lalong ayokong tawagan si Brae dahil ayokong madamay siya at masaktan.
Wala sa sariling pinaandar yung kotse at umuwi. Mabuti na lamang kahit papaano ay nakauwi ako ng ligtas.
Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si Brae na nag aabang sa labas ng bahay at pansin ko ang sobrang porma niya.
"Myel" sabi niya.
"Anong ginagawa mo dito Brae?" Seryosong tanong ko.
"Oh hija? Nandito kana pala? Nagpaalam pala sakin si Brae" biglang pagentrada ni Mama sa usapan namin ni Brae.
"Nagpaalam saan?" Kunot noong tanong ko sa kanya.
"Manliligaw raw siya e. Siya sige, maiwan ko muna kayo" sabi ni Mama at agad na pumasok sa bahay. Habang ako ay nanatiling tahimik lamang.
"Brae" sabi ko na bumasag sa katahimikan.
"Myel" mahinang sabi niya at tumitig sakin.
Pansin na pansin ko yung pagiging seryoso niya hindi ko mabakas yung dating Brae na puro kalokohan rin ang alam.
"Totoo ba yung sinabi ni Mama?" Mahinang tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Player's Target
Teen FictionSi Precious Farrah Go ay isang Campus Queen sa paaralang pamilya niya ang nagmamay ari. Maganda, mataray, matalino, at masayahin. Halos lahat ng bagay at materyal ay nasa kanya na. Pero nung niloko siya ng kanyang boyfriend na si Dave Gabriel, ay ha...