The Player's Target (45)

58 1 0
                                    

Chapter 45 New Chapter

*2 years later*

@Philippines

3rd Person's Pov

"GO! ROMUALDEZ! GO! GO! GO!" Sigaw ni Saphire at nagtatalon talon habang may hawak na pom poms.

Saglit siyang nilingon ni Brent na ikinakilig naman ni Saphire.

Nagpatuloy lang si Brent sa pakikipag agawan ng bola habang nagdidribble.

Maya maya ay mabilis siyang nakatakas sa kalaban at naishoot yung bola.

Nakipag apir naman sa kanya ang mga team mates niya dahil sa galing niya sa paglalaro.

Natural lang ang pagiging magaling niya dahil sa isa siyang Captain ball sa basketball sa University na pinapasukan nila.

Maya maya ay natapos rin yung game at hindi na siya nag eexpect kung sino ang mananalo.

Dahil sila naman lagi yung nananalo sa mga laro.

"Cool! Hindi man lang ako pinagpawisan!" Nakangising sabi ni Rain at umupo sa may gilid ng court habang nagpupunas ng pawis.

"Nakakagana pala maglaro. Lalo na't marami kang fans" mayabang na sabi ni Sean at kumaway sa mga babaeng nanonood na ikinahiyaw nila.

"Ako lang naman ang nagpanalo. Gwapo pa." Pag epal ni Wayne at nilingon si Brent na tahimik lang.

Maya maya ay maraming lumapit sa kanilang mga babae lalo na kay Brent.

"Brent. Tubig oh!" Pag offer ni Saphire ng isang boteng mineral water kay Brent.

Sumipol naman bigla si Wayne at halos lahat sila ay nakatingin sa dalawa at hinihintay kung tatanggapin ba ni Brent yung tubig.

Isa si Saphire sa hinahangaan sa University dahil sa taglay nitong likas na maganda, matangkad, at  maputi. At isang beauty queen.

Mabait at simple.

Kaya maraming nagtataka kung bakit parang naging papansin ito kay Brent.

Sa dinami raming lalaking nagkakandarapa sa kanya ay wala lang sa kanya at bukod tanging kay Brent lang ang atensyon niya.

First year sila nung makilala ang isat isa at parehas pa sila ng course na kinukuha.

"Woah! Ikaw ba yan Romualdez?!" Sigaw ni Sean habang tumatawa nung biglang kinuha ni Brent yung tubig at ininom.

Halos mapunit ang labi ni Saphire sa pagngiti niya dahil sa malaking achievement na iyon.

Sa ikalawang taon nila sa college ay ngayon lang tumanggap si Brent ng galing sa kanya.

Tumayo naman si Brent at iniabot yung mineral tubig na kalahati na lang sa bote. At agad yun tinanggap ni Saphire.

"Una na ako. See you later" paalam ni Brent sa mga barkada.

Tumango lang sa kanya ang mga kabarkada at umalis na.

Habang si Saphire ay napanganga at napabigla sa pag inom ng tubig na hawak niya.

"Woah! Indirect kiss. Saphire!" Hiyaw ni Rain at tumawa.

Napakunot naman yung noo niya dahil hindi niya magets yung sinabi ni Rain.

Tinapik lang siya ng mga ito at umalis na.

Hanggang sa napagtanto niya na. At halos mang init yung buo niyang mukha.

***

Saphire's POV

"Fire!"

Napalingon ako sa pagtawag ng aking mga kaibigan na tumatakbo palapit sa kinalalagyan ko.

The Player's TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon