The Player's Target (46)

41 2 0
                                    

Chapter 46 Chance

Saphire's POV

Sobrang akward para sakin,yung everytime na makikita ko siya.

Ngayon ay kahihiyan talaga yung nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay mas lumalayo pa siya sakin.

"Fire. Si Brent na naman ba yang iniisip mo?" Tanong bigla sakin ni Liniella na umupo pa sa tabi ko.

"Hindi ah" tanggi ko at napangalumbaba.

"Tingin mo ba Fire? May pag asa ka sa kanya?" Seryosong tanong niya pa.

"Of course" sabi ko at ngumiti ng pilit.

Malaki kasi yung paniniwala ko na, kapag kinulit mo ng kinulit yung isang tao, ay sa huli bibigay rin.

"Pero, Girl may gusto yata siyang iba" nag aalangang tanong niya.

"Wala akong pakialam kung sino yung mahal niya, basta ang mahalaga yung nakakasama ko siya" sagot ko at nilingon si Brent na nakasandal sa upuan habang nakaheadphone.

Hindi ko alam ang sagot, kung bakit siya pa yung nagustuhan ko. Sa dinami daming lalaki, sa kanya ako tinamaan.

"Kahit magmukha kang tanga? Okay lang sayo?" Tanong pa niya.

"Lahat ng nagmamahal ng sobra, nagiging tanga. Niella" sagot ko pa.

"Mahal mo nga talaga siya. Sana naman, magbunga yang sobrang pagmamahal mo sa kanya" sabi niya at ngumiti ng pilit.

Nagnod naman ako at tumayo tsaka nag unat unat.
Kinuha ko yung pouch ko at tsaka lumabas ng classroom.

Agad akong sumakay ng elevator para makapunta sa may rooftop.
Mas feel ko kasing mag isa.

Nakarating naman agad ako sa rooftop at nakahinga ng maluwag dahil sa sobrang katahimikan.

Umupo muna ako at tsaka napasandal sa may pader at nagsuot ng headphone.

Napapikit naman ako habang dinadama yung lyrics ng kanta, hanggang sa makatulog ako.

---

Nagising ako bigla nung mapansin kong nakapatong yung ulo ko sa balikat.

Dahan dahan kong nilingon kung kaninong balikat yun.

Bumilis bigla yung tibok ng puso ko nung makitang si Brent yun.

Palihim kong kinurot yung sarili ko kung totoo nga.

Totoo nga.

Hindi niya napansing gising na ako. At muli kong ipinikit yung mga mata ko dahil gusto kong sulitin yung greatest moment na ito.

Ngayon, ang daming tanong ang pumapasok sa isip ko.

Una, bakit siya nandito?

Pangalawa, bakit niya hinayaan na ipatong yung ulo ko sa balikat niya?

Pangatlo, gusto na ba niya ako?

At Pang apat, nag aassume lang ako?

Maya maya ay naramdaman kong inalis niya yung ulo ko sa balikat niya at isinandal sa pader. Nagpanggap akong tulog at naramdaman ko yung pagsuot niya nung headset ko.

Napahinga naman ako ng mabilis dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko.

Dahan dahan kong minulat yung mga mata ko at harap harapan na naming nakikita ang isat isa.

"B-Brent?" Kinakabahang sabi ko habang kinukusot yung mga mata ko.

"Next time huwag kang matutulog rito. Babae ka pa naman." Mahinahong sabi niya at tsaka tumayo na.

The Player's TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon