The Player's Target (15)

62 3 0
                                    

Chapter 15 Sports Competition

Myel's POV

"Good morning Mama" bati ko at tsaka tumabi sa kanya dito sa may dining table.

"Good morning din. Excited kana ba sa laro mo?"

"Opo Mama. Kahit na kinakabahan ako."

"Kaya mo yan, ikaw kaya ang pinakamagaling na badminton player na kilala ko."

"Talaga Ma?"

"Oo naman, hindi lang maganda ang anak ko,kundi talented pa."

Oh diba? Ang ganda ganda ko no. Nanay ko ang patunay. Hihi.

"Pero Myel, may nanliligaw na ba sayo.?"

"Ah wala po. Ma"

Brokenhearted nga ako. Tapos may manliligaw pa kaya.
Bahala sila, hindi ko naman sila kailangan.

Kundi ako ang kailangan nila. Mwahahaha.

"Anyway Ma, alis na po ako." Sabi ko at agad siyang hinalikan sa pisngi.

"Ingat ka anak, galingan mo." Nakangiting sabi ni Mama.
Agad ko namang binitbit yung bag ko pati yung badminton racket ko.

Pagkalabas na pagkalabas ko naman ng bahay ay agad kong natanaw si Brae na nakasandal sa may gate ng bahay namin.

"Good morning Bestfriend" nakangiting bati niya.

"Ah good morning din" bati ko pabalik kahit na sobrang awkward.

Good news.
Dahil yung Crush mo, e nagconfess sayo.

Bad news.
Nagconfess hindi sa maging girlfriend ka, kundi maging bestfriend ka. -_-

Nagtaka nga ako e. Bestfriend agad agad.
Yun pala nainis sa inasta kahapon ni Thristan. E gusto niya na may karapatan daw siya sakin.

Hayy naku! Ang gugulo talaga ng mga lalaki, male at man.

"Goodluck sa laro mo ah. Manonood ako." Sabi niya pagkaupo.niya sa driver seat.

"E yung girlfriend mo.?"

"May exam kasi sila. Busy siya."

Tumango tango naman ako nung biglang nag ring yung phone ko.

Calling....
Thristan

(Oh Thristan? Napatawag ka?)

(What time laro mo?)

(9:30. Why?)

(Baka hindi ako makapanood, may exam kami. But i'll do everything na mapanood ka.)

(Hindi.okay lang. Unahin mo muna yung exam mo. Goodluck ah.)

(Goodluck rin sayo. Galingan mo. Ingat.)

Call ended.

Napangiti naman akong itinago yung phone ko sa may bag ko.
Kahit kelan talaga si Thristan ah.

"Manliligaw mo ba yun?"

"Hindi ah. Bakit bagay ba kami?" Nakangiting turan ko habang tumataas baba yung kilay ko. Pero siya nakakunot yung noo niya.

Problema nito?

"I dont trust him." Sabi niya at saglit akong nilingon pero tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi mo pa nga siya nakikilala ng lubos. Makahusga lang."

Napapout naman ako at tumingin nalang sa labas ng bintana.
Ewan ko ba, kahit na sobrang cute ni Brae, hindi ko maiwasang mabadtrip.

The Player's TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon