The Player's Target (40)

40 2 0
                                    

Chapter 40 Love or Hate?

Precious' Pov

"Ms. Go? Are you still listening?" Sita ng teacher namin sa Math.

"Ah yes maam. Sorry" hinging paumanhin ko at nakapangalumbabang nakikinig.

Geez! Nakakaantok talaga ang Math na ito. -_-

"Okay! Answer this equation and Show your solutions" sabi niya.

Napafacepalm naman ako at tumayo na. Jusko! Natawag tawag pa ako.

I hate Math.

"Mr. Romualdez, you can help her" sabi ni  maam.

Maya maya ay naramdaman kong nasa tabi ko na siya. Nagsasagot na rin siya sa tabi ko.

Hindi ko na nga alam kung ano yung pinagsusulat ko. Nadidistract ako masyado.
Kung dati kasi, laging si Brent yung gumagawa ng mga assignments ko sa Math.

Proud nga ako sa pagiging Mathematician niya. Pero ngayon, nawala na yung paghanga ko sa kanya.

"Done" rinig kong sabi niya.

"Ms. Go, you may take a seat" rinig kong sabi ni Maam.

Agad kong binalik yung marker at umupo na.

Tss. Ikakatalino ko ba ga ang Math na ito? Hindi naman e.
Kainis. Naimbento pa. Akala mo naman ikayayaman ng bansa.

"Very Good, Mr. Romualdez" sabi ng teacher namin.

Nilingon ko sandali si Brent at nahuli kong nakatingin siya sakin. Agad rin akong umiwas dahil ayokong mag assume ang lalaking iyan.

May amnesia man siya o wala. Walang magbabago sa pakikitungo ko sa kanya. Still, galit ako sa ginawa niya. Sa nalaman ko.

"QUESTIONS?" Tanong ng teacher namin.

"NONE MAAM" Sagot nila.

"Ms. Go, kung may hindi ka maintindihan, magpaturo ka kay Romualdez, tutal boyfriend mo naman siya." Sabi niya na ikinagulat ko.

"Maam, Ako na lang po magtuturo kay Precious" rinig kong sabi ni Dave.

Napansin ko naman yung pagtitig sakin ng teacher namin habang nililiitan ako ng mga mata. Napakatsismosa talaga niya pagdating sa mga lovelife ng mga estudyante niya.

"Maam, kay Dave na lang po" sabi ko.

"Ayaw mo kay Mr. Romualdez?" Tanong niya pa.

Napansin ko naman yung sobrang pananahimik ng mga kaklase ko, at talagang inaabangan talaga ang magiging sagot ko.

"Hindi sa lahat ng oras, nakadepende lang tayo sa isang tao" sabi ko nalang.

"Okay. Enough. Students. Dahil, ito na ang last Grading niyo. Magkakaroon kayo ng Final project" sabi niya.

Naghiyawan naman yung mga kaklase ko dahil sa pagkadismaya.

"By 2's ito. Kaya magtulungan kayo"

Tumahimik naman sila at pinagmasdan yung teacher namin na umupo habang tinitignan yung class record niya.

Nagstart na siya magbanggit ng mga magkakapartner, and sa pagpili niya ng mga partner ay boy and girl pa. Mukhang gusto kaming pagtripan nito.

"Mr. Romualdez and Ms. Go"

See? Talagang ipinartner talaga ako kay Brent. Kasi alam niya yung nangyari sa amin at hindi ako maalala nito. Kainis.

"Gagawa kayo ng isang demonstration, at yung idedemonstration niyo ay isa sa mga topic na itinuro ko. So, parang magiging teacher lang kayo rito. Take note, walang magkakapareho ng topic." Sabi.niya.

The Player's TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon