Chapter 55 Big day
Myel's POV
This is not my day.
Dahan dahan akong bumaba sa kotse suot ang golden yellow na gown.
Hawak ang bulaklak ay inayos ko ang buhok kong nakalugay na sobrang may pagkakulot."Ate Myel" salubong sakin ni Mimi at niyakap ako.
Ngumiti naman ako at pansin ko ang sobrang pagdadalaga niya.
"Ang ganda mo talaga Ate Myel" sabi niya at ngumiti.
"Mas maganda ka" ngiting pabalik ko.
"Haha. Where's kuya Thristan?" Tanong niya na ikinaseryoso ko bigla.
Umiling lang ako at ngumiti ulit. Hindi ko hahayaang masira yung araw na ito dahil sa kanya.
Hindi siya kawalan.It is a big day for us.
Especially for my bestfriend and for Brent.
"Hello! Kuya Brae!" Bati ni Mimi at kumaway sa may likuran ko.
Agad akong napalingon sa likuran ko at nakita si Brae na nakasuot ng tuxedo na may necktie na golden yellow.
"Hi Mimi" bati niya at nginitian si Mimi at nilapitan ako.
"Youre pretty" sabi niya at tinaasan ko siya ng kilay.
Pretty lang?
"Ahh. Thanks?" Sabi ko at umiwas ng tingin.
Nagulat ako nung bigla siyang umakbay sa akin.
"Wag ka ngang magseryoso. Ang pangit mo e, hindi bagay" sabi niya na agad kong kinurot.
"Stop it Brae. Mas pangit ka" sabi ko at inirapan siya.
"Yiee! Bagay kayong dalawa." Panunukso ni Mimi.
"Talaga?" Panggagatong ni Brae.
"Yes! Kuya!" Sabi niya.
"Oh? You heard that?" Pang aasar niya.
"Che! Tumigil ka nga!" Sabi ko at sinamaan siya ng tingin na siyang ikinatawa niya.
Napatitig na lang ako sa kanya. Sobrang gwapo ni Brae. Kumbaga may panama sa iba. Kalevel niya si Brent kung tutuusin. Kaso hindi mo alam kung seryoso siya pagdating sa relasyon.
"Ah Ate, Kuya. Pasok muna ako sa loob." Paalam ni Mimi at itinuro yung loob ng simbahan at ngiti na lang ang isinagot ko.
Napatitig ako sa kalakihan ng simbahan.
Sobrang ganda niya."Sabi ko naman sa iyo na wag mo na siyang isipi--"
"Bakit? Sino bang nagsabing iniisip ko siya?!" mataray na tanong ko sa kanya.
"Hindi mo sinasabi, pero yun ang nararamdaman ko." Sabi niya at puno ng pagkaseryoso ang kanyang boses at mukha.
Almost a month na rin na hindi nagpaparamdam si Thristan since na nag away kami. Hindi ko malaman kung may kami pa o wala na talaga.
Maloka akong babae, pero pagdating sa pagtatampo. Ako ang may pinakamataas ang pride.
"Tingin mo ba? Madaling makalimot?" Wala sa sariling tanong ko.
"Hindi. Pero kung gugustuhin mo, magagawa mo" sagot niya.
Nilingon ko siya at saktong lingon niya. Ngayon at magkatitigan na kami.
BINABASA MO ANG
The Player's Target
Ficção AdolescenteSi Precious Farrah Go ay isang Campus Queen sa paaralang pamilya niya ang nagmamay ari. Maganda, mataray, matalino, at masayahin. Halos lahat ng bagay at materyal ay nasa kanya na. Pero nung niloko siya ng kanyang boyfriend na si Dave Gabriel, ay ha...