The Player's Target (22)

49 3 0
                                    


Chapter 22 That Girl

Brent's POV

"Weh? Hindi nga? Tigil tigilan mo nga kami sa kalokohan mo Brent" hindi makapaniwalang sabi ni Thristan

"Mukha ba akong nagbibiro?" Masungit na sabi ko.

"Woah!! Seryoso nga!" Tuwang tuwa na sabi nila at nag apir pa.

Tss.

"Hula ko, hanggang December lang kayo" sabi ni  Mico

"Dakilang Player yan e, ako hula ko hanggang next month lang sila" Nate.

"Ako, next week" sabi ni Thristan.

Tss. Kailan pa sila naging manghuhula?

"Tigil tigilan niyo ko dyan. Seryoso ako sa kanya" suway ko sa kanila at uminom ng coke in can.

"Ang bakla pare ah! Shot ka nga!" Sabi ni Nate at inooffer yung beer in can, pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

Hindi ako umiinom ng mga alak na may mataas na alcohol content.

"Ang tunay na lalaki,hindi nag iinom" sabi ko at sumandal sa pader ng treehouse na tambayan namin dito sa YCU.

"Miss ka na namin Brent, lalo na yung mga babae mo dito sa YCU" sabi ni Mico na mukhang may tama na.

"Tss. Tigil tigilan niyo ko"

"Pare, seryosong usapan tayo huh? Sigurado ka ba sa Campus Queen na yun?" Tanong ni Thristan.

"Ye" sagot ko.

"Akala ko ba nag iisa lang si Highness" tanong niya.

Naging malapit talaga yung mga kaibigan ko sa babaeng lubos kong minahal. Campus sweethearts kami dito sa YCU dati. Im her Campus Prince and she is my Campus Princess.

Isa siya sa pinakamagandang babae na nakita ko sa buong buhay ko. Literal na maganda, mabait, malaanghel sa kilos.

Ako yung pinakaswerteng lalaki sa buong mundo nung maging kami.

Niligawan ko siya almost 2 months. Sobrang corny ko pagdating sa kanya, yung lagi kong ipinagsisigawan sa Campus kung gaano ko kamahal ang babae na yun.

Halos gabi gabi na lagi kong hinihintay yung mabagal niyang reply dahil sa problema niya sa signal.
Yung handa kong maubos yung baon ko dahil sa araw araw namin na date.

Yung walang palya sa paghatid at sundo sa kanya.

Ganun siya kahalaga sa akin, na nagtagal lang ng 8 months.

Kung gaano ko siya kamahal, ganun din ako nung masaktan.

Nalaman ko lang na nasa Airport siya.
Magmamigrate na sila papuntang States.

Pansin kong nagiging Team Airport ako sa pang iiwan sakin ng mga babae. Like what happen few days ago.

Luckily, naabutan ko siya sa airport. And unfortunately, nakipagbreak siya sakin.

Hindi daw niya kaya ang long distance relationship at nagsawa raw siya sa araw araw na routine na ginagawa namin.

I cried a lot, kahit na pinagtitinginan ako ng mga tao. I dont care. I want my girl back.

I almost kneeled down.

And begged for her 2nd chance.

But she still walked away. And telling me to start to forget her, because I dont deserve her.

The Player's TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon