Chapter 35 Precious Tears
Precious Pov
December 24, 20**
"Merry Christmas Ate Farrah" bati sakin ni Devienne.
"Merry Christmas rin Devienne" nakangiting bati ko at mabilis siyang hinalikan sa pisngi.
"Ingat ka Ate Farrah, papakasalan ka pa ni Kuya" nakangiting sabi niya dahilan na umiwas ng tingin si Dave.
"Mag ingat ka rin, mag aral ka ng mabuti ah?" Paalala ko sa kanya.
"Opo Ate"
"Maraming salamat ah. Pinasaya mo yung kapatid ko" sabi ni Dave.
"Ano ka ba? Hindi na siya iba sakin" sabi ko.
"Merry Christmas sayo in advance" bati niya.
"Sayo rin. So, aalis na ako. Thanks sa inyo" sabi ko at sumakay sa kotse at kumaway sa kanila bago umalis.
Hiniram ko muna yung kotse ni Brent para mamili ng mga panregalo na nabili ko na kanina pa. At tsaka si Devienne yung agad kong naalala e. So kaya pinuntahan ko na.
Gustuhin ko mang puntahan ako ni Brent ay pinigilan ko muna yung sarili ko. Syempre, kailangan ko ring magpamiss sa lalaking yun.
Napatingin naman ako sa watch ko at alas tres na pala ng hapon. Kapag masaya ka, ang bilis bilis talaga ng oras.
Si Mimi ay nakausap ko na rin kanina. She's already here in Philippines. At mamaya pa kami magkikita sa Party nila Brent, isasama na lang siya nila Dad.
And I know, nagpapahinga na rin siya e.
Nagdrive naman na ako papuntang Heaven's home. Hindi alam ni Brent yung about sa pagpunta doon. Gusto ko ring tulungan yung mga bata doon.
After an hour, ay nakarating na rin ako. And good thing nakilala ako ni Manong guard at pinapasok ako sa gate.
"Precious Hija" salubong sa akin ni Sister.
"Magandang Hapon po, sister" bati ko.
"Naparito ka? Bakit hindi ka na lang sumabay kay Brent?" Tanong niya na ikinagulat ko.
"Talaga po?" Tanong ko at nagnod naman siya.
Talagang mahal na mahal niya yung ampunan na ito.
"Tuloy ka, naglalaro yung mga bata sa loob" sabi niya at naglakad papasok na agad kong sinundan. At bitbit ko na rin yung mga regalo.
"Kids! Listen. Narito si Ate Precious niyo!" Announce ni Sister at nagsilingunan yung mga bata sakin.
"MOMMMMMY!" Sigaw nila, Ricca, Anne, Merpy, Princess at Trisha at nagtatakbo palapit sakin.
"We missed you Mommy" sabi ni Ricca at niyakap ako sa waist at yung iba naman ay nakipag group hug na rin.
"I missed you babies!" Sabi ko at niyakap sila.
Maya maya ay lumapit sakin si Sister na buhat buhat si Raisa at mukhang kagigising lang.
"Mommy" sabi niya at kinukusot yung mga mata niya.
Agad siyang iniabot sakin ni Sister at kinalong ko na siya.
"Mommy? Bakit hindi ka po sumabay kila Daddy at Ate Ganda?" Tanong ni Trisha na agad nagpakunot sa noo ko.
"Ate Ganda?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Player's Target
Teen FictionSi Precious Farrah Go ay isang Campus Queen sa paaralang pamilya niya ang nagmamay ari. Maganda, mataray, matalino, at masayahin. Halos lahat ng bagay at materyal ay nasa kanya na. Pero nung niloko siya ng kanyang boyfriend na si Dave Gabriel, ay ha...