The Player's Target (7)

87 6 2
                                    

Chapter 7 Family dinner

Precious POV

"Salamat ulit Myel at Precious." Sabi ni Brae.

"Hihi wala yun," pacute na sabi ni Myel.

"Gusto niyong kumain? My treat." Tanong ni Brae.

"Ah hind---'"

"Sige sige." Tuwang tuwa na sabi ni Myel.

"Ah kayo na lang, may gagawin pa ako." Sabi ko.

Pero ang totoo, napagod ako sa pagtour namin ni Myel kay Brae.

"Ah ganun ba? Sige next time na lang." Sabi ni Brae.

"Kayo na lang ni Myel, bawi ako next time." Sabi ko at pinandilatan ng mata si Myel.

O atleast eto yung time na masolo niya yung crush niya.

"Ah sige thank you ulit." Sabi niya at ngumiti.

"Ge. Welcome. Enjoy sa date."

"BESFIE!" Namumulang sigaw ni Myel.

Ngumiti lang ako at tumalikod na.

***

Myel's POV

Besfie talaga. Nakakahiya.

"Ah nga pala, san tayo magde-date, este kakain?" Tanong ko habang inaayos yung bag ko,

"A-e-a may street foods ba dito?"

Natigilan ako bigla at nilingon si Brae na namumula.
Para siyang batang cute na napakainosente.

"Teka? Kumakain ka ng mga street foods?" Manghang tanong ko.

Nagnod naman siya at lalong namula.
So cute.

Sa totoo lang, never pa ako kumain ng mga street foods na yan.
Nadidiri ako. Mukhang madumi.

"Ah nice. Hindi ka nadidiri? Baka magkasakit ka."

"Hindi. Masarap sila, Try mo." Sabi niya at ngumiti.

Nagnod na lang ako at nag sign of the cross.

***

"Huy ano yan?" Takang tanong ko kay Brae na may hawak na isang baso na may lamang bilog na orange.

".Kwek kwek. Tikman mo." Sabi niya at tumusok sa ng isang bilog.

Dahan dahan ko namang kinuha yung stick at nakapikit na isinubo.

"Ano? Okay ba?". Rinig kong tanong niya.

".ahhmm. ayos na rin, pero mas like ko yung Fishball." Sagot ko.

".Gusto mo pa ba?". Tanong niya.

Nagnod naman ako at ngumiti.

".kailan ka na---"

*RIIIIIINNNG*

".Saglit lang Myel." Sabi ni Brae at lumayo ng konti at sinagot yung call.

".Boyfriend mo, Hija?" Tanong ni Manong.

".Po? Haha Hindi po." Natatawang sabi ko. Hindi ko naisip na mapagkakamalan kaming magboyfriend. :D

"Sayang naman. Bagay kayo." Sabi ni Manong at iniabot yung fishballs.

".Talaga Manong? Secret lang po natin ahh. Crush ko po yun." Nakangiting sabi ko at nilingon si Brae na pabalik na.

".Sabi ko sayo e, masarap ang mga street foods." Sabi niya.

The Player's TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon