Chapter 41 Merge
Precious' Pov
(Hija, kailangan mong pumunta rito)
"Dad, ano po bang meron?" Pangungulit ko pa.
(Basta Hija, may ipapakilala lang ako sayo)
"Dad kung ano man yang sinasabi mo, hindi ko kailangan yan" seryosong sabi ko.
(Basta Hija, pumunta ka rito mamaya.) Sabi niya then he ended the call.
Napabuga na lang ako at ginulo gulo yung buhok ko.
Mukha na nga akong nakadrugs sa lagay na ito. Tapos nakakatamad pang pumunta sa bahay.Agad akong napatayo at kumuha ng susuotin ko. Kailangan ko pang mag ayos para sa party ng mga business man sa bahay namin. :3
Maya maya ay nagpasya na akong maligo at isang Black dress ang napili kong suotin.
Hindi ako nagkamali, maganda pa rin talaga ako kahit saang anggulo tignan.
Umupo muna ako sandali at nagbasa basa sa Math at may napili na kaming topic ni Ex.
Bukas pa naman kami may practice e.Marunong naman ako sa Math kaso hindi talaga ako nag iintindi, dahil ayoko.
Naalala ko pa tuloy noong time na SIYA yung gumagawa ng mga assignments ko sa Math. Hanga nga ako sa kanya e.
Sabi pa nga niya na kapag nagkaanak raw kami e, gusto niyang maging math lover rin daw tulad niya. Which is, malabong maging totoo.
Bigla namang nagring yung phone ko at si Dad na yung tumatawag which is sign na kailangan na ako doon.
Inayos ko.muna yung gamit ko at napagpasyahang umalis na ng new condo unit ko.
Sasakay na sana ako sa kotse ko nung may biglang bumusina sa gilid ko. Nilingon ko naman yun at si Kuya Pat pala.
"Panget! Sakay" sigaw niya.
Sumimangot naman ako at tsaka sumakay sa kotse niya.
"Nakasimangot ka dyan. Pangit mo na nga e, papangit ka pa lalo" sabi niya.
"Che! Ano bang meron at biglaan yung party na iyo?" Tanong ko.
"Merging yata, panget" sabi niya habang nagdadrive.
Nagkibit balikat na lang ako at tsaka sumandal sa upuan.
Para bang may something akong kinukutuban e."Sure ka na bang sa New York ka mag aaral?" Seryosong tanong niya.
"Oo naman, sayang yung oppurtunity e." Sagot ko.
"Alam na ba ito ng boyfriend mo?"
"Hindi. Walang pakialam yun" sagot ko at ramdam na ramdam ko yung hurt sa sinabi ko.
Sobrang sakit kasing malamang wala na siyang pakialam sakin. Sabagay kailan ba siya nagkapakialam sakin.
"I think. Kailangan mo munang hintaying bumalik yung mga alaala niya, bago ka magpaalam." Sabi niya.
"Kuya baka hindi ko rin kayanin kapag yun yung sinunod ko" sabi ko.
Hindi lang naman kasi yung pagmamahal yung nangingibabaw sakin, kundi pati sakit.
Mas masakit kasi yung nalaman kong nagsisinungaling lang siya sakin at yung mas masakit na target lang pala niya ako.
"Masasaktan naman kayo parehas kung aalis ka ng wala man lang paalam, hintayin mo munang gumaling siya, hindi naman kayo magbebreak e. Kumbaga long distance relationship kayo" dagdag niya pa.
BINABASA MO ANG
The Player's Target
Teen FictionSi Precious Farrah Go ay isang Campus Queen sa paaralang pamilya niya ang nagmamay ari. Maganda, mataray, matalino, at masayahin. Halos lahat ng bagay at materyal ay nasa kanya na. Pero nung niloko siya ng kanyang boyfriend na si Dave Gabriel, ay ha...