Chapter 50 Feelings
3rd Person's POV
"Ano ito Saphire?" Seryosong tanong ni Brent at inilapag yung isang folder na ibinigay ni Precious sa kanya.
"Malay ko" balewalang sagot ni Saphire na busy sa pagbabasa ng mga business proposal.
"Sinong nagsabi sayo na ikaw ang makipagkita sa kanya?" Tanong ni Brent na siyang ikinalingon ni Saphire.
"And why Brent? Part rin ako ng company, baka nakakalimutan mo" may pagkairita sa boses ni Saphire.
"But I am the CEO. Ako ang responsible sa mga ganitong bagay!" Medyo pagalit na sabi ni Brent.
Agad napatayo si Saphire at hinarap si Brent at nakikipagtalo sa titigan.
"Siya yun diba?" Tanong ni Saphire na siyang ikinatahimik ni Brent.
Mga 1 minuto yung ikinatagal ng katahimikan bago ulit nagsalita si Saphire.
"Siya pa rin ba? Siya pa rin ba hanggang ngayon?"
Still tahimik pa rin si Brent.
"Damn it Brent! Minahal kita within 4 years. Pero kahit ni katiting hindi mo man lang ako minahal. Tama ba?" Nangingilid na ang luha sa mga mata ni Saphire.
"Sinubukan ko naman e" halos mawalan na boses na sabi Brent.
Naaawa siya para kay Saphire, na walang inintindi kundi yung mahalin siya.
Kung natuturuan lang sana yung puso. Sana minamahal na niya ang babaeng ito.
"And do you think na pakakawalan kita? No way Brent. Hindi kita susukuan" sabi ni Saphire at umupo sa may swivel chair niya.
"Saphire"
"Brent. About sa deal na yan. Ayoko. Dont sign it." Malamig na sabi ni Saphire.
"It has a signed" sabi ni Brent na ikinagalit ni Saphire.
"ARE YOU STUPID? GOSH. I CANT BELIEVE IT" sigaw niya at inagaw kay Brent yung folder at pinunit yun.
"Stop with your childish thing Saphire!" Galit na sabi niya.
"You may leave now. Brent" sabi ni Saphire habang itinuturo yung pinto.
Gustuhin mang intindihin ni Brent si Saphire ay hindi niya magawa dahil sumabog na rin siya.
"Nag iba ka nga talaga. Hindi na ikaw yung Saphire na kilala ko" pailing iling na sabi ni Brent.
"Its all your fault, Brent. Subukan mong iwan ako. Magpapakamatay ako" banta ni Saphire.
Hindi na nagsalita pa si Brent at agad na umalis sa opisina ni Saphire. Hindi siya makapaniwala sa ganoong side ni Saphire.
Halos mapunit naman ni Saphire yung mga papeles dahil sa sobrang pagkainis.
Sinadya niyang siya yung makapagkita kay Precious.
Dahil pinaimbestigahan ni Saphire ang babaeng lubos na kinahuhumalingan ni Brent. At sa narinig niyang pangalan ay hindi na siya nag atubili."Hindi ako tanga para magpakamatay" sabi ni Saphire sa sarili. Dahil iniisip niyang kapag nagpakamatay siya ay wala ng hahadlang pa sa kanila.
***
Precious' POV
Napapitlag ako bigla nung magring yung phone ko.
Agad ko itong kinuha at tsaka sinagot.
BINABASA MO ANG
The Player's Target
Teen FictionSi Precious Farrah Go ay isang Campus Queen sa paaralang pamilya niya ang nagmamay ari. Maganda, mataray, matalino, at masayahin. Halos lahat ng bagay at materyal ay nasa kanya na. Pero nung niloko siya ng kanyang boyfriend na si Dave Gabriel, ay ha...