The Player's Target (21)

52 4 0
                                    

Chapter 21 Trippings

Precious Point of view

"Nakakainis ka! Alam mo yun?" Nagtatampong sabi ni Myel at binatukan pa ako.

"Sorry na nga diba?" Sabi ko.

"Ang tagal tagal mong hindi nagparamdam, then ngayon malalaman ko na nililigawan ka na ni Brent" inis na sabi niya at inirapan ako.

Trying hard magtaray ang babaeng ito.

"E kanino niyo bang nalaman yan huh?"

"Malamang sa mga stalker ni Brent, kalat na kaya sa buong Campus" sabi niya sabay pout.

Hay naku! Mga balita talaga. -_-

"Totoo bang nanliligaw na sayo?" Usisa ni Myel at mataman akong tinitigan sa mga mata.

"Oo nga" sagot ko.

"Bakit ang bilis naman yata? Pumayag ka naman?"

"Pumayag man ako o hindi, manliligaw raw siya"

"Edi siya na sweet. Pero, sasagutin mo? Syempre alam mo naman si Dave"

Isa ito sa mga napapansin ko, hindi ko na masyadong naaalala yung lalaking iyon. Siguro nga nakakatulong talaga si Brent sa pagmomove on ko.

"Malay ko. Siguro?" Sagot ko sabay napabuntong hininga.

"Alam mo? Ang panliligaw kasi hindi pinapatagal, dapat relasyon ang pinapatagal." Sabi niya.

"Alam mo ayokong magpadalos dalos sa magiging desisyon ko, paano kung biglang marealize niya na infatuation niya lang ako"

"Sure ka? Mas marunong kapa sa nararamdaman niya. And nakikita kong, he's a nice guy, at bonus na yung pagiging gwapo" nakangiting sabi ni Myel na parang kilig na kilig

Kaya hindi magkalovelife e. Panay gwapo kasi ang hinahanap.

"E Besfie, ready ka na bang mainlove ulit?" Tanong niya na ikinakibit balikat ko lang.

Hindi ko naman kasi talaga alam kung kaya ko na ulit pumasok sa isang relasyon. Baka kasi masaktan lang ulit ako.

"Pansin mo Besfie? Alam mo yung time na kapag nasasaktan ka, because of Dave. May Brent na laging andyan sa tabi mo. What if siya yung sign para punan yung pagkukulang ni Dave?"

"What if, masaktan lang ulit ako? What if, hindi naman niya ako talaga gusto? What if Mahal pa niya yung Ex niya? What if, na si Dave pala yung para sakin---"

"Ganyan ba ang tingin mo sakin?"

Agad nanlaki yung mga mata namin ni Myel at nilingon si Brent na seryosong seryoso.

Magsasalita pa lang sana ako nung bigla siya tumalikod at umalis na.
Ramdam na ramdam ko yung coldness niya.

Geez! What i had done?

"You should follow him, Besfie. Nasaktan yun" sabi ni Myel.

Agad akong tumayo at sinundan si Brent but hindi ko alam kung saan siya hahanapin.

Wala siya court.

Wala sa library.

Wala sa canteen.

Wala sa gazebo.

Wala sa labas ng gate.

Nagbakasakali rin ako sa rooftop. Then I found him, sitting at the edge of the rooftop.

The Player's TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon