Chapter 36 Hatred
Precious' Pov
"Besfie" rinig kong tawag ni Myel.
Hindi ako nag abalang tignan siya at nanatili lang akong nakayuko.
Ayokong makinig sa kanila. Ayokong may makialam sakin ngayon.
"Besfie, hindi ka ba pupunta sa ospital?" Tanong niya.
"Leave me alone please" pakiusap ko.
"Besfie! Si Brent, yung boyfriend mo. Naaksidente" pagtataas boses na sinabi niya sakin.
Tumingala naman ako sa kanya at tinignan siya ng masama.
"Tama na please. Wag niyo na akong gawing tanga!" Sabi ko at nagsituluan yung mga luha ko.
Wala na akong pakialam kung mukha na akong sabog sa itsura ko o makita nilang umiiyak ako. Wala na akong pakialam sa lahat. Ayoko na.
"Seryoso ako. Besfie. Nasa ospital siya" naaawang tinignan niya ako at dahan dahan akong nilapitan.
"Bakit? Diyos ba ako na kaya siyang pagalingin Myel? Na kapag pumunta ako doon, magigising siya? Siguro nga, karma niya yun sa pananakit niya sakin Myel." Sabi ko.
Wala na akong ibang nararamdaman kundi sakit at galit.
"Precious, kung ano mang problema niyo, pag usapan niyo please. Isipin mo muna yung kaligtasan niya" sabi niya.
Umiling iling lang ako at tsaka sinamaan siya ng tingin.
Wala na talagang kahit ni isang tao ang makakaintindi ng nararamdaman ko. At yung damdamin ko na lang lagi yung binabalewala.
"Umalis kana Myel. Simula ngayon, isipin mong hindi ko kilala ang lalaking yun na kahit kailan hindi siya naging bahagi ng buhay ko" matapang na sabi ko.
Umiling iling lang siya at tinignan ako na para bang awang awa siya sakin at wala ni isang sagot akong narinig nung umalis siya.
Dalawang araw na yung lumipas nung mangyari yung gabi na iyon. At sa dalawang araw na iyon ay hindi ako lumabas ng condo na ito.
Wala ng sense para magpakita. Tutal hindi ko naman nararamdaman yung kahalagahan ko. Sobrang sakit pala na ako lang yung nagpapahalaga.
Nanghihina na tumayo ako at kinuha yung maleta ko.
Gusto ko nang umalis sa lugar na ito. Lalo na't dito nakatira yung taong kinasusuklaman ko ngayon.Kinuha ko lahat lahat ng mga gamit ko at kahit ni isang bakas ay hindi ako nag iwan.
Sinuot ko na lang yung shades ko at hila hila yung bag na dala ko.
Agad ko itong isinilid sa kotse at tsaka umalis.
Mag checheck in na lang muna ako sa Hotel habang inaayos ko yung mga papers ko papuntang New York.Matagal ko nang pinag iisipan kung tatanggapin ko ba yung offer na ito. At ngayon alam ko na kung ano yung desisyon ko.
Maya maya ay nakarating ako sa Hotel at nagcheck in na.
Gusto kong pagbigyan yung sarili ko. Pagbigyang buuin muli.Agad akong humiga sa kama at tinitigan yung kisame.
Precious yung pangalan ko. Pero hindi ko maramdaman yung halaga ko.
Lord, akala ko ba Mahal mo ako? Bakit hindi ko na maranasang sumaya? Bakit parati na lang ako yung nasasaktan? Ano ba talaga yung purpose ko sa buhay?
3rd Person's Point of view
"Tita, hindi ko po mapakiusapan si Precious, mukhang may problema po talaga sila" paliwanag ni Myel sa mommy ni Brent.
BINABASA MO ANG
The Player's Target
Teen FictionSi Precious Farrah Go ay isang Campus Queen sa paaralang pamilya niya ang nagmamay ari. Maganda, mataray, matalino, at masayahin. Halos lahat ng bagay at materyal ay nasa kanya na. Pero nung niloko siya ng kanyang boyfriend na si Dave Gabriel, ay ha...