The Player's Target (20)

68 3 1
                                    

Chapter 20 Ate Gorgeous

Precious Point of view

Nagising naman ako sa sobrang lakas ng kalabog sa pintuan.
Grabe ka aga aga, napakaistorbo.

Kinuha ko naman yung unan sa gilid at itinakip sa mukha ko para takpan ang tenga ko at bumalik sa pagkakatulog.

Makakatulog pa sana ako nung may nagtanggal ng unan ko pati yung kumot.
Inis naman akong napabangon at tinignan ng masama yung lalaking istorbo.

"Problema mo? Ang aga aga nambubulabog ka!"

Tumayo naman ako sa kama at hinarap siya sasabunutan ko sana siya nung pansin kong titig na titig siya katawan ko.

"KYYYYYAAAAAA!!!! MAAANYAK!!! ALIS!!! ALIS!!!" sigaw ko at halos paghahampasin ko si Brent ng unan at tinakpan yung sarili ko.

"Tss. Wag mo nang takpan. Wala naman akong nakita ah! Flat kasi." Sabi niya at nagtatakbo palabas.

NAK NG!!

"ROMUALDEZ! HUMANDA KA TALAGA SAKIN.!!"

Ang kapal talaga ng mukha, Flat daw ako? E kung sipain ko kaya yung kinabukasan niya,. Bwisit.

May bra man o wala, hindi ako Flat period.
Masyado lang loose yung suot ko noh. Manyak na yun.

Agad akong kumuha ng mga damit na susuotin at dumiretso na sa CR.

***

Paglabas ko ng kwarto at naabutan ko si Brent na nakaupo sa sofa habang umiinom ng Hot chocolate.

Humanda talaga yan sakin mamaya.

Hindi ko naman siya kinausap at dumiretso sa Kitchen. Nagulat ako nung may nakahain na mga pagkain sa table, American Breakfast, consists of Ham and Bacon, fried egg sunnyside upand Pancakes. Tapos may Fried rice pa.

Tapos tapos tapos.

May bouquet of pink roses pa.

Napangiti naman ako ng lihim at umupo.
Hinanda niya ba ito para sakin?

"Kinikilig ka?"

"Oo, che! Hindi noh." Tanggi ko nung makita kong nakaupo na siya sa harap ko.

"Psh. Nag effort pa ko para dito" rinig kong bulong niya.

"Ikaw nagluto nito?"

"Hindi, dinala ko kanina dito yung isa sa mga cook sa bahay" sabi niya.

Sus. Effort ba yun? E hindi naman siya ang nagluto. :3

"Anyway thanks sa flowers" sabi ko at kukunin yung bulaklak nung agad niya itong kinuha.

"Its not yours. May pagbibigyan akong iba." Sabi niya.

Bwisit. Ang hilig laging magpahiya. -_-
Wala na, akala ko talaga may ibubuga talaga ang lalaking ito.

"Hindi ka pa kakain? Late na tayo." Tanong niya nung mapansin kong kumakain na siya.

"Nah! Nawalan ako ng gana." Sabi ko at agad na umalis sa dining at dumiretso sa kwarto.

"Kainis! Kainis ka Romualdez! Asa kang sasagutin kita. Bwisit ka." Inis na sabi ko at pinagkukurot yung unan.

"What are you doing?"

Napalingon ako kay Brent na naabutan akong pinagkukurot yung mga unan.

"Wala. Umuwi kana." Inis na sabi ko at inirapan siya ng todo todo.

The Player's TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon