Chapter 25
Precious Point of view
Pagmulat na pagmulat ng aking mga mata ay pagmumukha ni Brent yung Brent yung nakikita ko.
Nakatagilid pala ako ng higa dito sa couch, habang siya ay nakaupong natutulog sa swivel chair.
Dahan dahan akong bumangon para mag ayos. Good thing sabado ngayon at wala kaming pasok.
"Hey" rinig kong tawag niya.
Hindi ko naman siya pinapansin at kinuha yung bag ko.
Naiinis pa rin ako sa nangyari kagabi. Yung iwanan mo siya sandali tapos pagbalik mo, may kalandian na agad.
"About last ni--'
Hindi na niya natapos yung sasabihin niya nung lumabas na ako.
Tinatawag na niya ako pero hindi ko magawang lumingon.
Ayokong mamihasa siya. Selosa rin ako, sana maramdaman niya.Natigil ako bigla sa paglalakad nung hinila niya ako at isinandal sa may gate.
"Let me explain first" sabi niya.
Inirapan ko siya at tinakpan yung mga tenga ko, na agad niyang hinila yun at hinawakan yung kamay ko.
"About last night, nag aalala na ako sayo, sobrang tagal mo sa CR Yun pala may kausap kang mga lalaki, syempre nagalit ako kaya umalis muna ako, magtetext sana ako na marealize ko na nawawala yung phone ko. Hinanap ko yun, hanggang sa makita ko yun hawak ni Eliana. Ang totoo, hindi ko siya kasama, o kung ano mang iniisip mo" paliwanag niya.
"Paano ako maniniwala?" Tanong ko.
"Dahil yun ang totoo at kailangan mong magtiwala sakin" sabi niya.
"Nakakainis ka! Nakakainis ka!" Sabi ko at pinaghahampas siya.
"Sorry na" nakangiting sabi niya.
"Nakakangiti ka pa talaga." Sabi ko sabay irap.
"Rule no. 1, Precious. Be ready" sabi niya at ngumisi.
"Ano na na-'
"Later, you will receive your punishment, sa condo" bulong niya.
"Maniac!" Sabi ko at agad siyang tinulak at nagtatakbo.
Akala ko pa naman nalimutan na niya yung mga rule na yan.
Sus gustong gusto mo nga yung punishment e.
Shut up.
Agad naman akong sumakay sa kotse habang si Brent ay sobrang laki ng ngiti habang sumasakay.
Ang sarap sagasaan e.
Para bang manyak kung ngumiti.
"Wag ka ngang ngumiti, nakakabwisit e" sabi ko.
"Masama ba?" Pabebeng sabi niya na lalo kong kinainis.
"Oo, kaya tigil tigilan mo na" sabi ko, pero ang walangya, ngumiti pa lalo habang kumikindat.
Ugh. Bahala nga siya.
***
Dumating naman kami sa condo nung maabutan ko si Eliana sa tapat ng unit ng condo ni Brent.
Ang kapal talaga ng mukha.
"Wow. Bakit ka nandito?" Maarteng tanong ni Eliana sakin.
"Well, ako lang naman ang mahal ng may ari niyan" taas kilay na sabi ko at ngumiti.
BINABASA MO ANG
The Player's Target
Teen FictionSi Precious Farrah Go ay isang Campus Queen sa paaralang pamilya niya ang nagmamay ari. Maganda, mataray, matalino, at masayahin. Halos lahat ng bagay at materyal ay nasa kanya na. Pero nung niloko siya ng kanyang boyfriend na si Dave Gabriel, ay ha...