The Player's Target (34)

52 3 0
                                    

Chapter 34 Mr. & Ms. December

Dave's Pov

"GOODLUCK KUYA DAVE!" sigaw ng kapatid kong si Deivienne.

Ngumiti naman ako at ginulo.ang buhok niya.

"Thanks bunso" sabi ko.

"Kuya, partner kayo ni Ate Farrah diba? Please send my Goodluck kiss sa kanya" sabi niya.

"But bunso, hindi ko pwedeng gawin yun" paalala ko sa kanya.

"But kuya, para naman sakin e. Miss na miss ko na siya Kuya. Gusto ko na siyang makita" malungkot na sabi niya.

Bigla tuloy ako naawa sa kapatid ko. She really likes her for me. Lalo na't magkaclose sila.

Laging magkalaro sila  Deivienne at Precious noong panahon na lagi kong dinadala dito si Precious. Kaya napamahal na sa kanya si Devienne.

"Okay. I'll try" sabi ko.

"Kuya, pwede bang dalhin mo si Ate Farrah dito? I want to play with her"

"Sige. Kakausapin muna siya ni Kuya, pero kapag hindi siya pumayag huh, wag kang magagalit" paalala ko.

"Thank you very much kuya! Sana manalo kayo ni Ate Farrah" tuwang tuwa na sabi niya.

Inayos ko naman yung neck tie ko at kinuha yung bag ko nung marinig kong may bumusina sa labas. Nandito na sila.

"BYE KUYA!" Sigaw ni Deivienne.

"Bye Bunso. Behave ka kay Mommy" sabi ko at agad na lumabas ng bahay.

Pinagbuksan nila ako ng pinto sa Van at agad ring sumakay.

"Ang gwapo mo naman Dave" sabi nung isang baklang make up artist namin ni Precious.

"Ah thanks" naiilang na sabi ko.

Kinuha ko muna yung headphone ko at tsaka nakinig ng mga music. Ayokong paulanin ako ng mga tanong ng baklang ito.

Masyadong prangka.

Maya maya ay tumigil yung kotse sa harap ng isang condo building.
At nagulat ako nung pumasok si Precious.

Shet! Bakit ang sobrang ganda niya?

Mas ikinagulat ko pa yung ngumiti pa siya sakin at umupo sa tabi ko.

Nakakabakla mang pakinggan, sobrang lakas ng tibok ng puso ko. At siguradong, mahal ko pa rin ang babaeng ito.

Sana talaga manalo kami sa contest na yun. Manalo lang talaga kami, aagawin ko na yan sa lalaking yun. Oo, sobrang gago ako, pero nagsisisi na ako. Ako naman ang una niyang nakilala diba?

Precious POV

GEEZ! kinakabahan na ako. Bakit ba kasi ako yung nakasali sa contest na ito?

"Ang ganda ganda mo talaga!" Nanggigil na sabi ni Shasha, yung make up artist naming bakla.

Ngumiti naman ako at pinagmasdan ko yung sarili ko sa salamin.

Im wearing red tube cocktail dress with 4inches black wedge heels and yung hair ko ay simpleng naka waterfalls.

"Bagay na bagay kayo ni Dave! Sana kayo na lang!" Kinikilig pang sabi niya.

Nilingon ko naman si Dave na busy sa paglalagay ng gel sa buhok niya.
Also, wearing red longsleeve.

Bawat school kasi may kanya kanya kaming dressing room.

Anyway kararating lang namin dito sa CHA. At sobrang nakakachallenge yung pagsali rito. Halata ring sikat  yung mga ibang candidates dito.
Syempre, pili lang yung mga school e. And yung may "campus" word sa bawat school ay kasali talaga.

The Player's TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon