The Player's Target (19)

51 3 0
                                    

Chapter 19 Brent

3rd person's Pov

"Tch. Hindi pa ba obvious.?" Bulong ni Brent at pumasok sa kanilang bahay nang makasalubong niya ang kanyang ina.

"Bad Mood?"

Agad napasimangot si Brent at nilapitan ang ina at niyakap niya na siyang ikinagulat nito.

Dahil ngayon lang ulit siya niyakap nito.

"Mom, pangit ba ako?" Malambing na tanong ni Brent.

Nagulat ang mommy niya dahil sa tanong nito at sa tono ng boses rin. Para bang batang inagawan ng kendi at nagsusumbong.

Pero ang ikinapagtataka nito ay ang pagtanong nito kung pangit ba siya. E halos bukod tanging kagwapuhan niya ang ipinagmamayabang nito sa kanilang bahay dagdag ang kasungitan nito.

"Sinong nagsabing pangit ka? Papaluin ko." Sagot ng kanyang ina.

Sa isip isip ni Brent ay para bang ang dali dali siyang iwanan ng babae. Lalo na si Precious na nagawa pa niyang umamin. At parang wala itong pakialam sa nararamdaman nito.

"Tss. Nothing Mom. That girl." Masungit na sabi niya at dumiretso sa kwarto at humiga sa kama niya.

Napalingon siya sa picture frame na nakasabit sa kwarto niya.

"Mahal ko na ba siya?" Tanong niya sa sarili na hinihintay sumagot yung babaeng nasa larawan.

Wag kana umasa Brent. Hindi sasagot yan.

****

Precious Pov

Pinagmasdan ko yung buong unit ni Brent.
Sobrang nakaayos yung mga gamit. Daig pa niya talaga ang mga babae pagdating sa kalinisan ng kwarto.

Binuksan ko rin yung closet dito sa kwarto niya.
Sobrang ayos yung pagkakapatong ng mga damit.
By brand. Tapos amoy pangmayaman pa.

Kinuha ko naman yung phone ko para tawagan si Brent, mga 4 na ring bago niya sinagot yung tawag ko.

(O?)

"Ah Brent? Pwede mo ba akong samahan?"

(Saan?)

"Supermarket po."

(In one condition?)

"A-ano yun?"

(Pangit ba ako?)

Kru kru kru~

Napakunot naman yung noo ko at mas chineck pa kung sino yung katawagan ko.
Kaboses naman ni Brent.

"Anong bang pinagsasabi mo dyan?"

(Just answer my question)

"Ah o-oo naman, hindi na rin m-masama"

(Tsk. Kbye. Im busy. I cant go with you.)

Magsasalita pa lang ako nung pinatayan na ako ng tawag.
Ano bang problema ng isang yun? Parang sinasapian e. May pacondition condition pang nalalaman.

Edi wag niya akong samahan. Kaya ko naman mag isa.Akala niya ah!

***

Pagkarating ko sa Supermarket ay agad akong kumuha ng push cart.

At sa hindi man pagmamayabang e, pinagtitinginan ako.

Ikaw ba naman makakita ng Dyosa. ~.~

Inuna ko muna kunin yung mga de lata. Like, tuna, corn beef, luncheon meat, hmm? Sardinas? Hindi ako kumakain nito, but i want to try it.
Then syempre, kumuha na rin ako ng Milo na favorite ko.

The Player's TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon